WILBERT ROSS, THANKFUL SA CONTRIBUTION NI VICE GANDA SA KANYANG KARERA

“Always siya na nandiyan to support us.”

Ito ang naging pahayag ng Hashtag member na si Wilbert Ross nang linawin niya sa isang panayam kung ano ang naging kontribusyon ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang karera.

Ibinahagi ng 24-year-old singer-actor na isa si Vice sa mga pinadalhan niya ng mensahe at pinasalamatan nang lumabas ang trailer ng bagong sexy-comedy movie na pinagbibidahan nila ni AJ Raval, na mayroong titulong Crush Kong Curly.

تويتر \ Wilbert Ross على تويتر: "Orange and Blue With Beks Battalion  https://t.co/0fmyZjg1Jv"
Photo Source: Twitter Orang and Blue

Pagsasalaysay niya, “Nung lumabas ang trailer, sabi ko, ‘Hi Ma, bida na ako.’ Sabi niya, ‘Wow!’ Nag-congrats siya sa akin.”

Marami raw pagkakataon na tinutulungan siya ni Vice at ang iba pa niyang kasamahang hashtag sa tuwing naggi-guest sila sa programa ng komedyante. Binibigyan daw sila nito ng pagkakataon upang maipakita sa publiko ang taelntong mayroon sila.

Ani Wilbert Ross, “Actually, si Ganda, pagdating sa mga ganyang bagay, hinahayaan niya kami na mag-strive hard for that.

“Kapag nasa show niya mismo, yung harap-harapan, binibigyan niya kami ng chance. Like sa GGV [Gandang Gabi Vice], chance to sing, chance to talk, para makita ng mga tao.”

Hindi raw sila gumagamit ng koneksyon sa ibang tao dahil mas gusto ni Vice na paghirapan nila ang bawat proyekto na ipagkakaloob sa kanila.

aj raval wilbert ross crush kong curly
Photo Source” Viva Films

Dugtong pa nito, “Pero pagdating sa mga connect-connect, so far, walang ganoon.

“Ang alam ko kay Ganda, gusto niya na mag-strive hard kami para maabot yung gusto namin, hindi yung may tulong niya. Pero always siya na nandiyan to support us.”

Bagamat matagal na panahon siyang naghintay bago nakakuha ng malaking proyekto at big role, nilinaw ng binata na never daw niyang naisip na mag-quit sa karera na tinahak niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show