WILBERT ROSS, MASAYA SA KANYANG SECOND CHANCE SA SHOWBIZ INDUSTRY

Isa ang 24-year-old Hashtags member na si Wilbert Ross sa mga artistang naapektuhan ng coronavirus pandemic at kasabay pa nito ang pagsasara ng ABS-CBN.

Wilbert Ross on Twitter: "Hot Friday :) #Hashtag_Wilbert… "
Photo Source: Twitter @hashtags_ofc

Ayon sa binata, malaki raw ang pinagbago ng kanyang buhay at karera nitong 2020 dahil nawalan siya ng pagkakakitaan. Tatlong taon daw na tuloy-tuloy ang kanyang trabaho sa ABS-CBN at It’s Showtime kaya naman malaking pagbabago talaga nang mahinto ito.

Mabuti na lamang daw dahil binigyan siya ng second chance ng Viva Artist Agency nang kunin siya nito at bigyan ng proyekto.

Kwento niya, “Sa ABS-CBN, lalo na sa It’s Showtime, tatlong taon ko silang naging pamilya at naging lifestyle ko na rin dahil may work ako, six times a week.

“Nakakapanibago na biglang nawala lahat nang ‘yon kaya thankful ako dahil binigyan uli ako ng Viva ng chance sa showbiz.”

Masayang masaya raw siya dahil ang unang project niya under VIVA ay semi-lead role agad. Bukod pa roon, marami siyang natututunan sa mga co-star niya rito.

Aniya, “Sobrang natuwa at nabigla ako nang malaman ko ang role ko sa Shoot! Shoot! dahil maraming lines.

“Saka sobrang bait at down-to-earth ni Kuya Andrew. Palagi siyang nanlilibre sa amin at lagi rin niya akong pinapayuhan.

“Lahat ng questions ko tungkol sa showbiz, sinasagot niya.”

Wilbert Ross
Photo Source: IMDb

Handa raw siya sa kung ano mang plano sa kanya ng bago niyang management. Handa raw siyang patunayan ang kanyang sarili sa mga taong nagtiwala sa kanya.

“Ready po akong gawin ang lahat para maihanda ko ang sarili ko sa mga ibibigay nila sa akin,” ani Wilbert Ross.

Naniniwala raw siya na makakamit niya ang lahat ng kanyang pangarap kung siya ay magiging matatag at matiyaga.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show