VP LENI ROBREDO, TATAKBO NA BILANG PANGULO SA ELEKSYON 2022!

Pormal ng nagdeklara si Vice-President Leni Robredo ng kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa eleksyong magaganap sa susunod na taon.

“Lalaban ako, lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” ang pahayag ni Robredo.

Ang kanyang anunsyo ay isinagawa ngayong Huwebes (Octboer 7), may dalawang araw matapos mag-anunsyo ang dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatakbo rin sa pagka-presidente.

Ito ang ikatlong beses na makakaharap ni Robredo si Marcos sa labanang politikal.

Ang unang beses ay nang maglaban sila para sa pagka-bise presidente noong Eleksyon 2016. Si Robredo ang nanalo sa botohan. Hindi ito natanggap ni Marcos kaya nagsampa siya ng protesta sa korte ngunit ibinasura naman ito ng Korte Suprema. Kaya sa natalo si Marcos sa ikalawang paghaharap nila.

Sinabi naman ni Robredo na ang pagtakbo ni Marcos bilang pangulo ay isa sa magiging dahilan ni VP para tumakbo rin sa pagka-presidente. Isa ring dahilan ay a ng pagkakapili sa kanya na maging standard bearer ng isang united opposition.

Inendorso si Robredo ng partidong 1Sambayan bilang kanilang pangulo para sa Eleksyon 2022. Gayunpaman, naging abala ang bise presidente sa negosasyon para magkaroon ng isang united opposition bago ang kanyang pag-anunsyo sa pagtakbo bilang pangulo.

Naging abala rin ang kanyang tanggapan sa mga programang nilalabanan ang pandemya. Gayunpaman, nananatiling mababa ang kanyang mga pre-election surveys. Ayon sa huling Pulse Asia Survey, 8 porsyento lamang ng mga Filipino ang nais siyang iboto.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Robredo na hindi siya nababahala sa mababang numerong nakukuha niya. Ipinaliwanag niya na ganoon din ang sitwasyon noong tumakbo siya dati bilang pangalawang pangulo.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show