VIRAL: PAMANANG LUPA NG INA SA 11 ANAK, 17 TAON BAGO NASILIP

“Pamana”

Lahat tayo ay naghahangad na makatanggap nito ngunit minsan ay mayroong hindi magandang konotasyon dito dahil madalas na maging mitsa ng alitan ng pamilya.

Photo Source: Noel Suque

Ngunit kakaiba ang kwento ng isang pamilyang ito dahil tila nakalimutan nila ang lupaing pamana ng ina at naalala lamang makalipas ang halos 17 taon.

Ayon kay Noel Suque, madalas daw mabanggit sa kanila noon ng inang si Nanay Leoning na mayroon itong lupain sa Bicol galing sa kanyang ina na ipamamana niya sa kanilang magkakapatid sa oras na lisanin na niya ang mundo.

Hindi raw nila ito kailanman nabisita at muli lamang napag-usapan nang mamatay ang isa nilang tiyahin noong July 2021. Nabanggit daw sa kanila ng kanilang kamag-anak na pasyalan at silipin ang nasabing lupa dahil matagal nang walang tumitingin.

Nagkataon naman na walang pinagkakakitaan si Noel dahil pandemya kaya nagdesisyon ito na magtungo sa Barangay Kutmon, Bato, Camarines Sur kasama ng kapatid na si Joey upang tignan kung totoo ba ang lupaing sinasabi ng ina.

Laking gulat nila dahil hindi lang pala basta bastang lupain ang ipinamana sa kanila. Hindi lang pala ito kapirasong lote dahil mala-hacienda ang laki nito. Umaabot sa limang ektarya ang lawak!

Photo Source: Noel Suque

Hindi akalain ng magkapatid na may ganito pala silang pag-aari. Malaking tulong daw ito para sa kanila dahil maraming pwedeng gawin dito upang kumita.

Nagdesisyon daw silang magkakapatid na huwag hatiin ang lupain bagkus ay i-develop ito at pag-ingatan.

Paliwanag ni Noel, “Imbes na paghatian namin iyan, walang sizes. Sandali lang yung pera, e.”

Plano raw nila na mas lalo pang pagyamanin ang legacy ng kanilang ina at ipamana ito sa kani-kanilang anak.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show