VIN ABRENICA AND SOPHIE ALBERT SHARE BAPTISM OF THEIR DAUGHTER

Panibagong milestone na naman ang napagtagumpayan ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Sa kanilang latest vlog na in-upload sa kanilang YouTube channel, ibinahagi ng dalawa na nabinyagan na ang kanilang anak na si Avianna.

Matatandaang March ngayong taon nang i-welcome ng dalawa sa kanilang buhay ang kanilang ang kanilang first baby.

Vin Abrenica and Sophie Albert’s daughter gets baptized
Photo Credit: @itssophiealbert Instagram

Ayon kay Sophie, hindi raw madali na magbuntis at manganak sa gitna ng pandemya kaya naman ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat nang ligtas at malusog na lumabas ang kanilang baby.

“Baby A was born. It has been quite a journey… Getting pregnant in the middle of a pandemic, and giving birth at the height of it a year after it all started. We were lucky that despite all the challenges and scares we went through, we were able to experience Baby A’s birth together and she is finally here with us, safe and healthy. Our hearts are full of love for our little angel,” paglalahad ni Sophie.

Hanggang sa binyag ng kanilang anak kamakailan lamang, ibayong pag-iingat pa rin daw ang pinairal ng dalawa para sa kaligtasan ng bawat isa.

Pagbabahagi nila, “After getting re-scheduled so many times, we were finally able to have Avianna baptized! As much as we wanted all her godparents to be present, we had to keep our gathering very intimate for everyone’s safety.”

Mapapansin sa kanilang vlog na konti lamang ang bisita at karamihan ay puro family members. Makikita rin dito ang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica kasama ang anak nitong si Alas.

Gayunpaman, masaya at nagpapasalamat ang dalawa dahil kahit papaano ay nairaos nila ang isa sa mga mahalagang event sa buhay ni Baby Avianna.

Watch here:

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show