VICE GANDA, NASAKTAN SA MGA KOMENTO TUNGKOL SA 20K NA TULONG NA IBINIGAY SA KAIBIGAN

“Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo?”

Ilan lamang ito sa mga naging saloobin ng TV-host at komedyanteng si Vice Ganda ukol sa mga pambabatikos at pang-ookray na kanyang natatanggap mula sa publiko dahil sa 20k na ibinigay niya bilang tulong sa kanyang kaibigan.

Vice Ganda nagsalita na sa nangmamaliit sa ibinigay niyang tulong kay Ate  Gay - Kapamilya Online World
Photo Source: Kapamilya Online World

Tahasang inamin ng komedyante sa ‘ReiNanay’ segment ng It’s Showtime na nasaktan siya sa pangmamaliit ng ilang netizens sa tulong na kanyang ipinaabot sa isang kaibigan.

Ayon sa kwento ni Vice, mayroon daw siyang kaibigan na natulungan. Hindi niya naman daw ipinapaalam sa publiko sa tuwing mayroon siyang tutulungan pero itong kaibigan niya na ‘to ay isinapubliko ang kanyang pagtulong. Ipinagsabi raw nito kung magkano ang kanyang ibinigay na tulong.

Lahad ni Vice, “Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.

“Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya.

“Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’”

Hindi raw siya makapaniwala sa mga nababasa niya, imbis na ma-appreciate ang pagtulong niya, nabatikos pa siya.

Ani Vice Ganda, “Parang napalunok ako. Parang, ‘Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?’

“Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…”

Bukal daw sa kanyang kalooban ang pagtulong na iyon kaya hindi na niya kailangan i-acknowledge.

Patuloy pa niya, “Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.

“Pero yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako, ‘Bakit P20,000 lang ang binigay mo?’ Nasaktan ako talaga.”

Photo Source: Pep.ph

Hindi raw niya maintindihan. Kapag tumulong ka kukwestyunin ka, kapag hindi ka tumulong masama kang tao.

Wala mang binanggit na pangalan, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kamakailan lamang ay ibinahagi ng komednyateng si Ate Gay ang listahan ng mga tumulong sa kanya at isa rito si Vice na nagbigay ng 20k.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show