VICE GANDA, MAY REAL HAIR REVEAL SA LATEST VLOG

Sa ikalawang pagkakataon, muling ipinasilip ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda ang totoong kalagayan ng kanyang buhok sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Matatandaang unang ipinakita ni Vice noon sa It’s Showtime ang kanyang totoong buhok at nagtanggal rin siya ng make-up.

Vice Ganda shows real hair in latest vlog
Photo Source: YpuTube Vice ganda

Sa kanyang pagbisita sa salon ng anak-anakang si Ryan Bang, proud na ibinahagi ni Vice ang kanyang tunay na buhok.

“For the very first time in history, this is the grand reveal. Ipapakita ko sa inyo ang sitwasyon o kalagayan o kondisyon ng aking anit sa kasalukuyan. So ladies and gentlemen, hold your breath, ito na siya, we will open the Pandora’s Box,” pagbibiro nito habang tinatanggal ang kanyang head band.

Aminado ang TV host na ito raw talaga ang kanyang insecurity mula pa noon. Sobrang anxiety at kalungkutan daw ang naibigay ng kondisyon niyang ito sa kanya.

Watch here:

Saad niya, “Nong nararamadaman kong tumataas na ‘yung hairline ko, nagbigay siya sa akin ng anxiety. Nalulungkot ako tapos kinapitan ako ng hiya. Nahihiya akong makita ng tao na mataas ‘yung hairline ko. Tinatago ko talaga siya for a time. Tapos ayaw kong pinag-uusapan ‘yung buhok ko. ‘yung hairline ko. Parang sobra akong na-insecure at bumaba ‘yung self-confidence ko.”

Gayunpaman, nang tumagal ay natutunan din naman niyang tanggapin ang kanyang sitwasyon. Tanggap na raw niya ngayon kung ano ang kanyang hitsura at kung ano talaga ang kanyang buhok.

Naniniwala raw siya na hindi naman makikita ang halaga ng isang tao sa pisikal na anyo kundi sa kung ano ang nasa puso nito.

Hindi raw ang mukha, ang anit, o ang hairline ang magdidikta ng kanyang pagkatao kundi ang kanyang puso.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show