UNANG 2 KASO NG OMICRON VARIANT, NAITALA SA BANSA!

Ang unang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant ay naitala sa bansa ngayong Miyerkules (December 15). Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) sa publiko.

Ayon sa DOH, ang isang kaso ay mula sa nagbabalik na overseas Filipino na dumating mula sa Japan noong Disyembre 1 sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL) na may flight number PR 0427.

Ang isa pang kaso ay mula sa Nigerian national na dumating mula sa Nigeria noong Nobyembre 30 sa pamamagitan ng Oman Air na may flight number WY 843.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang isa sa nagpositibo ng Omicron ay bakunado kontra COVID-19 habang ang isa naman ay hindi pa.

Ang dalawang pasyente ay kasalukuyan ng nakahiwalay sa isang pasilidad na pinangangasiwaan ng Bureau of Quarantine.

“He is currently asymptomatic but had symptoms of colds and cough upon arrival,” ang sinabi ng DOH tungkol sa pasyenteng Filipino.

“The DOH is determining possible close contacts among co-passengers during the flights of these two cases,” ang dagdag ng DOH.

Sinusubukan ding kumpirmahin ng ahensya ang test results at health status ng lahat ng pasahero ng dalawang flights. Ito ay para malaman kung mayroon pang ibang kaso ng Omicron variant.

Ang mga pasahero mula sa dalawang flights ay hinihimok na makipag-ugnayan sa DOH sa pamamagitan ng DOH COVID-19 Hotlines na 02) 8942 6843 o 1555. Maaari rin silang lumapit sa kanilang local government units (LGUs) para ipaalam ang kanilang kalagayan.

“With the detection of the imported cases of Omicron variant, the Department also urges everyone to adhere to the minimum public standards,” ang paalala ng DOH. “Moreover, this holiday season, the public should avoid holding mass gatherings to curb the transmission of COVID-19. The DOH also urges those unvaccinated to get vaccinated,” ang dagdag ng ahensya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show