UK, KINUMPIRMA ANG UNANG DALAWANG KASO NG OMICRON COVID-19 VARIANT!

Kinumpirma ng pamahalaan ng United Kingdom (UK) ang unang dalawang kaso ng bagong Omicron strain ng coronavirus disease 19 (COVID-19). Ito ay inugnay sa pagbiyahe mula Southern Africa at pinalawak na travel restriction sa rehiyon.

“After overnight genome sequencing, the UK Health Security Agency has confirmed that two cases of COVID-19 with mutations consistent with B.1.1.529 (Omicron) have been identified in the UK,” ang pahayag ng pamahalaan.

“The two cases are linked and there is a link to travel to southern Africa,” ang dagdag nito.

Nadiskubre ang isang kaso sa gitnang lungsod ng Nottingham habang ang isa naman ay sa Chelmsford sa silangan ng London.

“We have moved rapidly and the individuals are self-isolating while contact tracing is ongoing,” ang pahayag ni Health Secretary Sajid Javid

Dinagdag niya na isinailalim na ng gobyerno ang apat na bansa sa Africa sa kanilang travel “red list.” Ito ang Malawi, Mozambique, Zambia at Angola, epektibo simula 4 a.m. (0400 GMT) ngayong Linggo (November 28).

Sinabi pa ng UK na pagbabawalan nito ang pagbiyahe sa anim na bansa mula sa timog Africa dahil sa Omicron variant. Ito ang South Africa, Namibia, Lesotho, Eswatini, Zimbabwe at Botswana.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) noong Biyernes (November 26) ang pagka-diskubre ng B.1.1.529 strain ng Covid-19. Ito ay unang nakita sa timog Africa na isang variant of concern at tinawag na Omicron.

Kasama ang Omicron sa klasipikasyon ng mga mapanganib na COVID-19 variants tulad ng Delta pati na rin ang mas mahinang variants na Alpha, Beta at Gamma.

Kaya naman, nagmadali ang mga bansang maghigpit sa paglalakbay para mapabagal ang pagkalat ng Omicron.

“Based on the evidence presented indicative of a detrimental change in Covid-19 epidemiology… the WHO has designated B.1.1.529 as a variant of concern (VOC), named Omicron,” ang pahayag ng WHO.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show