TNT TROPANG GIGA, KAMPEON SA 2021 PBA PHILIPPINE CUP!

Matapos ang walong taon, ang PBA Philippine cup title ay muling nasungkit ng koponan ng TNT Tropang Giga.

Tinalo ng TNT ang Magnolia Pambansang Manok Hostshots sa iskor na 94-79 sa Game 5 ng best-of-seven Finals series. Ginanap ito sa DHVSU Gym ng Bacolor, Pampanga noong Biyernes (October 29).

Ang panalo ay nagbigay sa Tropang Giga ng ika-anim nitong Philippine Cup title at una sa loob ng walong taon. Tinapos din nito ang kanilang anim na taong walang titulo mula ng magwagi noong 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Muling ipinakita ng rookie player na si Mikey Williams ang kanyang husay sa pagbabasketbol. Nagtapos siya ng may 24 points, apat na rebounds, at apat na assists. Si RR Pogoy naman ay nakapagtala ng 19 markers, tatlong boards, at dalawang dimes.

Medyo mabagal ang naging simula ng TNT sa Game 5. Lamang ang Magnolia hanggang sa kalahati ng 1st quarter pero gumawa  ng 11-2 run ang Tropang Giga kaya lumamang sila sa pagtatapos ng unang quarter sa iskor na 21-14.

Nagpatuloy ang momentum ng TNT sa pangalawang quarter matapos silang umiskor ng apat na three points. Nagtapos ang unang half na lamang pa rin ang Tropang Giga sa iskor na 47-33.

Nagpakita ng kaunting sigla ang Magnolia sa ikatlong quarter. Gayunpaman, napanatili ng TNT ang kanilang lamang hanggang sa huling segundo ng laro.

Tinapos rin ng Tropang Giga ang pamamaypag ng mga koponan ng San Miguel Corporation (SMC) tulad ng San Miguel, Magnolia at Ginebra sa nakaraang pitong taon ng Philippine Cup.

“I have to give this to the players, they really put in the effort and stayed together throughout the adversity,” ang pahayag ni TNT coach Chot Reyes.

“This is a great reward for their hardships,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show