TITO SOTTO, ITINANGGING MAY HIDWAAN SILA NI PANGULONG DUTERTE

“Basta magkaibigan kami.”

Ito ang paglilinaw ni Senate President Tito Sotto tungkol sa bali-balitang ‘di umano ay mayroon silang hidwaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kanya, siya raw at ang samahang sina Ping Lacson at Gringo Honasan ay maituturing na pinakamatagal na kaibigan ng Pangulo sa pulitika.

Duterte acclaims Sotto: 'He can become a good vice president' | Inquirer  News
Photo Source: Inquirer.net

Bagamat may iilang bagay at isyu silang hindi napagkakasunduan, nananatili raw ang kanilang pagkakaibigan.

Paliwanag niya, “Ngayon, nagkataon na naging Senate President ako, Pangulo siya ng Pilipinas, yung karamihan ng mga programa niya na sinasabi ay sumasang-ayon naman ako, e. Pareho nga kami ng advocacy.

“Lately, hindi mo masasabi na ako naman ay kumontrang bigla. Hindi, e.

“Kumukontra ako sa mga isyu na mali, katulad nung problema sa DOH [Department of Health], yung problema sa mga procurement, e, hindi kami…

“Dun ako nakakontra, hindi ako nakakontra sa pagkakaibigan,” dugtong pa nito.

Kagaya na lamang ngayon, malaki ang posibilidad na magtapat sila bilang bise presidente sa darating na 2022 elections, hindi raw ito nangangahulugan na magkaaway sila.

Ani Tito Sotto, “Ngayon, kung kami magkakaharap, a, wala naman siyang mariring na masamang salita sa akin.”

Wala raw siyang planong siraan ang presidente kaya naman sana ay ganoon din ito sa kanya.

Bong Go gets more support in Senate bid | Philstar.com
Photo Source: Philippine Star

Sa kabila ng mga isyung kinakasangkutan, masasabi raw niya na walang nagbago sa relasyon nila ng pangulo. Maaaring magkaka-iba sila ng pananaw, pero hindi raw doon matatapos ang kanilang pagkakaibigan.

Isang araw lang daw ang eleksyon pero ang kanilang pagkakaibigan ay pang habangbuhay.

Ika pa niya, “May the best man win.”

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show