SUNSHINE CRUZ, GRATEFUL TO BOYFRIEND MACKY MATHAY

Ipinagdiwang ng aktres na si Sunshine Cruz at kasintahang si Macky Mathay ang kanilang 5th anniversary bilang magkarelasyon.

September 17 ng gabi nang magbahagi si Sunshine ng mga larawan nila sa kanyang Facebook. Kalakip nito ay ang pasasalamat niya sa kasintahan dahil sa pag-aalaga nito sa kanya at sa kanyang mga anak na babae.

Sunshine Cruz dedicates song, heartfelt birthday message to boyfriend
Photo Source: Smart Biography

Para sa mga hindi nakakaalam, parehong may anak ang dalawa sa kanilang mga unang naging karelasyon.

Hindi naman naging hadlang sa kanilang relasyon ang kanilang mga anak. Ayon pa nga sa aktres, tila nadagdagan pa ang anghel sa kanyang buhay.

Saad niya sa nasabing post, “5 years! [smiling face with three hearts emoji]

“I wasn’t just blessed with a supportive and loving partner but I also gained three additional angels. [praying hands, heart emojis]

“Thank you for being supportive and caring to me and the girls.”

Malaki raw ang pasasalamat niya rito dahil isa ito sa kanyang mga inspirasyon. Talaga nga namang blessing ang mag-aama sa kanilang pamilya.

Dugtong pa niya, “Thank you for being one of my inspirations to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me.

“I am truly grateful for you, Ro, Cole and Charlie. You guys are a blessing to me, Angelina, Sam and Chesca.

Sunshine Cruz thanks Macky Mathay for being the best father figure to her  kids | PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!
Photo Source: Push.com.ph

“Happy 5th Anniversary to us my Macky!

“I love you! We love you!” mensahe pa nito.

Marami naman ang kinilig sa mensaheng ibinahagi ng aktres. Bumati rin ang kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca. Maging ang iba pang kamag-anak ng aktres at ilang kaibigan sa industriya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show