ST. LUKE’S HOSPITAL, NILINAW ANG ISYU SA PAGKUHA NG DRUG TEST NI BBM

Naglabas ng pahayag ang St. Luke’s Medical Center (SLMC)  noong Huwebes (November 25) sa gitna ng isyu tungkol sa validity ng drug test na kinuha ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang ospital.

Batay sa tagapagsalita ni Marcos Jr na si Vic Rodriguez, ang dating senador ay sumailalim sa cocaine test noong Lunes (November 22) sa SLMC-Global City. Negatibo ang naging resulta ng nasabing test.

Gayunpaman, may mga netizen na nagsasabi na ang dokumentong inilabas ng kampo ni Marcos Jr sa media ay hindi naglalaman ng letterhead ng SLMC at ang address ay hindi tama.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng SLMC na ang format ng printed test result ay “standard and common” sa lahat ng healthcare facilities na awtorisado ng Department of Health (DOH) para magsagawa ng mga dangerous drug tests.

“Regarding the mention of Barangay Ususan (in Taguig City) as our location, this is because that is the only available location in DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System when St. Luke’s Medical Center – Global City was accredited in 2010,” ang pahayag ng SLMC.

HInimok rin ng ospital ang publiko na iwasang magpost ng “misleading and inaccurate information” sa social media. Kailangang suriing mabuti ng mga tao ang mga impormasyong natatanggap nila sa iba.

Nanawagan din si Rodriguez noong Miyerkules (November 24) sa mga kritiko ni Marcos Jr na huwag sirain ang reputasyon ng mga institusyong tulad ng SLMC.

Matatandaang isiniwalat ni Presidente Rodrigo Duterte na may kandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine. Hindi niya pinangalanan ang kandidato.

Ayon naman sa Commission on Elections (COMELEC), ang substance abuse ay hindi basehan para ma-disqualify ang isang kandidato sa eleksyon.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show