SQUID GAME CREATOR, MAY BWELTA SA KOMENTO NI LEBRON JAMES SA KOREAN SERIES!

Ang “Squid Game” creator na si Hwang Dong-hyuk ay binuweltahan si Lebron James matapos sabihin ng NBA superstar na hindi niya nagustuhan ang ending ng sikat na Netflix show.

Sa isang panayam, tinanong ng The Guardian si Dong-hyuk kung ano ang reaksyon niya sa komento ni James.

“Have you seen ‘Space Jam 2’?” ang tugon ni Dong-hyuk.

“LeBron James is cool and can say what he wants. I respect that. I’m very thankful he watched the whole series,” ang dagdag niya.

Sinabi rin ni Dong-hyuk na dapat gumawa ng sariling sequel si James.

“If he has his own ending that would satisfy him, maybe he could make his own sequel,” ang sinabi ni Dong-hyuk.

“I’ll check it out and maybe send him a message saying, ‘I liked your whole show, except the ending’,” ang dagdag niya.

Si James at ang kanyang teammate na si Anthony Davis ay dalawa sa milyon-milyong tao sa buong mundo na nanood ng “Squid Game.”

Sinabi ni James na nagustuhan niya ang show maliban sa ending nito.

“I didn’t like the ending though,” ang komento ni James.

“I know they start it off with a Season 2 but, like, get on the f—ng flight and go see your daughter, bro. Like, what are you doing?” ang dagdag niya.

Samantala, isang school district sa New York, USA ang binawalan ang mga bata na magsuot ng Halloween costumes batay sa “Squid Game.” Ito ay dahil sa concern na ma-glorify ang karahasan na ipinapakita ng nasabing show.

“Our principals wanted to make sure our families are aware that it would be inappropriate for any student to wear to school a Halloween costume from this show because of the potential violent messages aligned with the costume,” ang pahayag ni district superintendent Craig Tice sa AFP news outlet.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show