SENATOR PACQUIAO, TINANGGAP ANG ENDORSO NG PDP-LABAN BILANG PRESIDENTIAL CANDIDATE

Tinanggap ni Senador Manny Pacquiao ang nominasyon ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa kanya bilang kandidato ng partido sa pagkapangulo sa Eleksyon 2022.

Ibinoto si Pacquiao bilang opisyal na kandidato sa pagkapresidente ng PDP-Laban faction. Ito ay matapos siyang piliin ng mga regional representatives ng partido sa naganap na national assembly noong Linggo (September 19).

“Ngayon, sa takdang araw na ito, gusto kong alalahanin ninyo, sa ngalan po ng mga kababayn natin na matagal ng naghahangad ng tamang pagbabago sa atin pamahalaan, tapat na panunungkulan, at tapat na serbisyo sa mamayang Pilipino. Buong puso ko po, buong tapang, at kababaan loob ay umaasa po ako sa inyong suporta. Suporta na may dalangin ng gabay ng Panginoon. Tinatanggap ko po ang inyong nominasyon sa akin bilang kandidato sa pagkapangulo ng Republika ng Pilipinas,” ang pahayag ni Pacquiao sa kanyang talumpati.

“Exciting ito dahil malaki ang posibilidad na mananalo tayo sa darating na halalan at ang tunay na PDP-Laban and magpapatakbo ng gobyerno,” ang sinabi ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III. Siya rin ang tumatayong pinuno ng partido.

Nagkasundo rin ang PDP-Laban na bigyang kalayaan si Pacquiao na pumili ng kanyang bise presidente at kumpletuhin ang listahan ng mga tatakbong senador.

Sa kasalukuyan, may isa ng kandidato ang partido sa pagka-senador. Ito ay si Lutgardo “Lutz” Barbo.

“I am a fighter and I will always be a fighter inside and outside the ring. Sa buong buhay, wala akong laban na inaatrasan. Dahil sa ngalan ng prinsipyo at karangalan ng bayan ay tumayo ako, nanindigan, at nakikipaglaban,” ang sinabi ni Pacquiao.

“The time is now. Ngayon na ang panahon… The strength of the party lies in the trust of our people whether we are 10,000 or a million strong, as long as we have our people’s trust, then we are unbeatable because God is with us,” ang dagdag niya.

Nagkasundo rin ang PDP-Laban para makipagsanib sa mga grupong kapareho ng kanilang ipinaglalaban para tumaas ang tsansa ng kanilang pagkapanalo sa nalalapit na eleksyon.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show