SENADOR BONG GO, UMATRAS NA SA PAGKA-PANGULO SA ELEKSYON 2022

Pormal ng inatras ni Senador Christopher “Bong” Go noong Martes (December 14) ang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

“Meron po akong isang salita,” ang pahayag ni Go sa mga mamamahayag sa kanyang pagpunta sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila.

Isang tweet mula kay Comelec spokesperson James Jimenez ang nagpapakita ng larawan ni Go habang inaasikaso ng isang empleyado ng Comelec. May caption itong nakasulat na “Withdrawn.”

SOURCE: @jabjimenez twitter

Si Go ay kilalang malapit na ka-alyado ni Presidente Rodrigo Duterte. Isiniwalat niya ang kanyang intensyong umatras sa pagka-pangulo noong Nobyembre 30. Tinukoy niya ang kanyang pamilya bilang dahilan sa kanyang pag-atras. Hindi sila pabor sa pagtakbo niya bilang presidente ng bansa.

Hindi rin niya gustong ilagay pa si Pangulong Duterte sa isang mahirap na sitwasyon.

Naghain si Go ng kanyang COC sa pagka-presidente noong Nobyembre 13 sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa pamamagitan ng substitution.

Dahil sa pag-atras ni Go, ang PDP-Laban na partido ng administrasyon ay nagsabing susuportahan nila ang presidential candidate na sumasang-ayon sa pamamalakad ni Duterte.

“PDP-Laban we will endorse whoever will align with the  policies of the Duterte administration and will continue the agenda of change that remain popular because these are being felt by the masses such as tough [stance] against drugs, criminality, corruption, and terrorism, as well as efficient implementation of socio-economic and infrastructure programs to guarantee recovery from the pandemic,” ang pahayag ni Melvin Matibag, ang  secretary general ng PDP-Laban.

Samantala, suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pag-atras ng kanyang ama at ni Go. “The filing of candidacy and withdrawal is a personal decision. We can only support that decision,” ang pahayag ni Sara.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show