SENADOR BATO DELA ROSA, NAGHAIN NG COC SA PAGKA-PANGULO

Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay naghain noong Biyernes (October 8) ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente sa Eleksyon 2022.

Nagfile ang senador ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.

Ayon kay PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, si Dela Rosa ang tumatayong kandidato ng partido.

Ang kanyang running-mate na si Senador Christopher “Bong” Go ay nauna ng naghain ng COC sa pagka-bise presidente noong Oktubre 2.

Tinanong si Dela Rosa kung papalitan din siya ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang standard bearer ng PDP-Laban.

“Eh, ‘di mas maganda,” ang tugon ng senador.

SOURCE: @llanescajourno twitter

Hanggang sa huling araw ng paghahain ng kandidatura, malakas ang panawagan para tumakbo ang anak na babae ni Presidente Duterte.

Sinabi ni Mayor Sara Duterte na muli siyang tatakbo sa pagka-alkalde sa lungsod ng Davao.

Ayon naman kay Dela Rosa, naniniwala ang PDP-Laban sa kanyang kakayahang ipagpatuloy ang mga proyekto ng administrasyong Duterte.

“I am fielded by my political party, the PDP-Laban, for reasons that wala na silang ibang nakita na magpapatuloy sa legacy ng ating Pangulong Duterte,” ang pahayag ni Dela Rosa.

“‘Yung ating laban sa droga, kriminalidad, corruption at terorismo. At ang patuloy sa pagbangon ng ekonomiya amidst the pandemic,” ang dagdag niya.

Bago maging senador, si Dela Rosa ay nagsilbing chief ng Philippine National Police (PNP) at nanguna sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga ilegal na droga.

Sinabi rin ng senador na matagal ng nagdesisyon ang PDP-Laban sa pagpili sa kanya bilang kandidato ng partido.

“Matagal na pero tinatago lang namin. ‘Yun ‘yung mga diskarte kasi kung maaga ka magbalita, ah wala, tirahin ka talaga. Tinatago lang natin ‘yan,” ang pahayag ni Dela Rosa. “This is a party decision. This is not my personal decision,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show