SENADOR BATO DELA ROSA, ITUTULOY ANG ‘OPLAN TOKHANG’

Sinabi ni Senador Bato dela Rosa na itutuloy niya ang “Oplan Tokhang” kapag nanalo bilang pangulo sa Eleksyon 2022.

Sa isang panayam, iginiit ni Dela Rosa na ang Oplan Tokhang ay may marangal na intensyon at hindi dapat inuugnay sa extrajudicial killings (EJK). Ito ang kanyang brainchild noong siya ay police officer pa lamang sa lungsod ng Davao.

“Yes, I will continue that dahil alam kong very noble ang intention ng Oplan Tokhang,” ang pahayag ni Dela Rosa.

Ayon sa senador, ang ibig sabihin ng Oplan Tokhang ay toktok hangyo o kumatok at makiusap.

“Katukin ang drug adict at pakiusapan na huminto na sa kanilang ginagawa. Karamihan ng tao dito, ineequate ninyo ang tokhang sa EJK. ’Pag sinabing tokhang, EJK kaagad ang iniisip ninyo. Mali po yung iniisip niyo. Tokhang is different from EJK,” ang dagdag niya.

Kung magpapatuloy ang Oplan Tokhang, sinabi ni Dela Rosa na kailangang magsuot ng body-worn cameras ang mga operatiba sa lahat ng anti-drug operations.

“Pagsusuot (wearing of ) strictly ng body-worn camera to avoid abuses and to provide protection to our operating personnel from harassment,” ang sinabi ni Dela Rosa.

Matapos manalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Eleksyon 2016, ipinatupad ni Dela Rosa na PNP chief noong panahon na iyon ang Oplan Tokhang bilang bahagi ng Oplan Double Barrel.

Maraming drug personalities ang sumuko sa mga operasyong tokhang. Gayunpaman, may mga nasawi na ayon sa kapulisan ay lumaban kaya napatay.

Ang mga kritiko ng pamahalaan ay sinasabing ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 20,000 pero ayon sa kapulisan, ang bilang ay mahigit 5,000 lamang.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show