ROBI DOMINGO, UMALMA SA MGA NAGSASABING GINAGAMIT NIYA SI MAYMAY ENTRATA

Inalmahan ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang mga akusasyon sa kanya ng tagahanga nina Maymay Entrata at Edward Barber.

October 17, nang ibahagi ni Robi ang mensahe na kanyang natanggap mula sa tagahanga ng Mayward kung saan sinasabi nito na tila ginagamit ni Robi si Maymay at ibinubuyo sa kaibigang si Donny Pangilinan.

Maymay Entrata apologizes to Robi Domingo – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Kabuuang mensahe ng nasabing fan, “Naasar na sayo sir iba mayward kasi ginagamit mo lang daw si mm tapos boto ka kay donny kaya nagdelulu mga iba fans ni mm at nagkaron ng maydon..dapat respect mo naman feeling ni edward..Salamat..”

Sinagot naman ito ni Robi at nilinaw na walang namamagitan kila Maymay at Donny kundi pagkakaibigan lamang. Hindi niya raw ginagamit ang mga ito, maging ang mga isyung kinasangkutan.

Sagot niya, “There’s nothing between donny and maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that.

“If you continue to act this way, I will stop producing the show.

“The very reason why I made this is I see potential in maymay and I value inclusivity.”

Pinahahalagahan niya raw ang kanyang mga kaibigan kaya sana ay huwag silang pag-isipan ng masama.

Ani Robi Domingo, “I’ve had enough. This has to stop. I value my friends.”

Samantalang sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Maymay si Robi sa kanyang mga tagahanga. Siya raw ang tunay na nakakakilala kay Robi.

Robi Domingo on MayWard fan accusing him of preferring Donny | PEP.ph
Photo Source: Pep.ph

Saad ni Maymay, “Gustuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto kong malaman mo kahit anong masamang sabihin ng ibang tao tungkol sayo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo kuya at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay.”

Maging ang ilang tagahanga ng dalaga ay nanghingi rin ng tawad at nagpasalamat kay Robi dahil sa agiging mabuting kaibigan nito kina Maymay at Edward.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show