RICO BLANCO, GUSTONG MAGING PBB HOUSEMATE?

“Why not?”

Ito ang naging sagot ng OPM artist na si Rico Blanco sa tanong kung willing ba siyang maging isa sa mga housemate ng reality show na Pinoy Big Brother.

Rico Blanco sings latest ‘Pinoy Big Brother’ theme song
Photo credit: @ricoblanco100 IG

Matapos ilabas ang bagong version ng iconic Pinoy Big Brother theme song na “Pinoy Tayo” inamin ni Rico na minsan niyang naiisip kung ano ang maaring mangyari sa loob ng PBB house kung isa siya sa mga housemate.

Siguro raw ay mayroong concert araw-araw sa loob ng bahay ni Kuya dahil sigurado siyang tutugtogan niya ang kanyang mga kasama.

Pagbabahagi niya, “Oh my God they’re going to get a free concert every day. In fact, they might want to kick me out kasi ang ingay naman niyan, bakit ba tugtog ng tugtog yan, kanta ng kanta? I-kick na nga natin yan. Baka yan ang mangyari.”

Hindi naman daw imposible na sumali siya dito dahil maging ang kanyang pamilya ay fan ng nasabing TV show.

Aniya, “Why not? Kailangan magpaalam lang ako sa mga artist na mina-manage ko. Magpaalam lang ako ng maayos na I’ll be gone.”

Lagi daw pinapanood ng kanyang yumaong lola ang PBB at minsan ito na rin ang nagiging bonding nila. Inuudyukan daw siya ng mga ito na sumali sa celebrity edition ng PBB noon.

Rico Blanco says he is open to becoming a PBB housemate: ‘Why not?’
Photo Credit: @ricoblanco100 Instagram

Kwento pa ni Rico Blanco, “There was a time I used to go to her room, yun yung bonding namin and nanunuod siya. So my titas, my mom, my relatives would ask me kung ako, but then they’d say, ‘Ay huwag na lang ikaw kasi makikipagsagutan ka kay Kuya eh,’ parang ganun. Magpapaliwanag daw ako, hindi ako magpapatalo. So huwag na lang, huwag na lang ako. Maybe not me. Sige wag na lang.”

Matatandaan na dating PBB housemate din ang girlfriend ni Rico ngayon na si Maris Racal.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show