REAL-LIFE MARITES AT IBA PA, MAY REAKSYON SA PAGSIKAT NG PANGALAN NILA!

Ang pangalang “Marites” ay ilang linggo na ring nagvi-viral sa social media. Ito ay matapos bigyan ng bagong kahulugan ang nasabing pangalan. Ang pangalang ito ay ilang ulit ng ginagawang meme sa internet na nangangahulugan ng pagiging chismosa o isang taon na mahilig makibalita o magbalita.

Ayon sa GMA News noong Linggo (November 21), ang Marites ay isang shortcut sa katagang “MARe, Ito ang laTESt!” Mabilis itong sumikat sa social media ng Pilipinas. Kaya naman, iba’t-ibang memes ang lumabas tungkol dito.

Kalaunan, hindi lang Marites ang binigyan ng bagong kahulugan ng mga netizens na sadyang malilikot ang mga imahinasyon.

Gayunpaman, ano nga ba ang nararamdaman ng mga totoong tao na may kaparehong pangalan?

Isang nangangalang Maritess Oreza mula sa Pangasinan ang nagbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa bagong kahulugan ng kanyang pangalan.

“Natawa lang tsaka ‘di naman ako chismosa,” ang pahayag ni Maritess.

“‘Pag personal, hindi dapat ‘yan chinichismis. ‘Yung mga katuwaan, ‘yon lang ang pwedeng chismis kasi papayat ako ‘pag [masyadong] seryoso,” ang dagdag niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga inuugnay sa pagiging “Marites” na huwag seryosohin ang pagtsi-tsismis.

“‘Wag naman masyadong personalin ‘yung pagiging chismosa. ‘Yung mga katuwaan lang. ‘Wag yung seryoso kasi bawal na ma-stress ngayon sa panahon ng pandemya,” ang paalala ni Maritess.

Bukod sa “Marites,” sumakit na rin sa social media ang pangalang “Marife” na ang bagong kahulugan ay “MARe, FEram ng pera.”

Ayon naman kay Marife Valmoria, sang-ayon siya sa bagong kahulugan ng kanyang pangalan. Mayroon siyang negosyong pautangan bago dumating ang pandemya.

Sa kasalukuyan, nagtitinda siya ng mga isda sa isang wet market sa gitna ng mga utang niya.

“Mas maganda po ‘yung ikaw ang hinihiraman kesa ikaw ang mangutang. Para sa akin, lahat ng Marife ay [dapat] mag-sumikap para ‘di tayo maghirap,” ang sinabi ni Marife.

“Mag-sumikap tayo mag-hanapbuhay para ‘di tayo laging nangungutang,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show