PUSANG MAY APAT NA TENGA, ISA NANG INTERNET SENSATION!

Isang apat na buwang pusa sa Turkey ang mabilis na nagiging internet sensation.  Isinilang si Midas na may dalawang pares ng tenga at depektibong panga dahil sa genetic mutation.

Sa kasalukuyan, si Midas ay mayroon ng mahigit na 73,000 followers sa social media.

Ang batang pusa ay ipinanganak sa bakuran sa Ankara kasama ang kanyang limang kapatid. Kalaunan ay inampon siya ni Canis Dosemeci at ng kanyang pamilya. Inamin ni Dosemeci na na-love at first sight sila kay Midas kaya ninais nilang kunin siya. Ito ay para mabigyan siya ng tahanan at maalagaan ng maayos.

“We have never thought of buying a cat, we just wanted to rescue a cat from the street, and we wanted to adopt her,” ang kuwento ni Dosemeci.

Ang pamilya ni Dosemeci ay mayroon ding dalawang Golden Retriever, sina Zeyno at Suzi, para makasama ni Midas sa kanilang tahanan.

Ang pangalang Midas ay batay sa isang hari ng Phrygia mula sa sinaunang alamat. Siya ay may tenga ng donkey at kayang gawing ginto ang anumang mahawakan niya.

Bagama’t hindi kayang magbigay ng ginto ang pusang si Midas, kaya naman niyang magbigay ng tuwa at inspirasyon sa mga nakakapanood sa mga video ng kanyang araw-araw na buhay kasama sina Suzi at Zeyno.

Ayon kay veterinarian Resat Nuri Aslan, hindi nakaka-apekto sa kalusugan at pandinig ni Midas ang kanyang espesyal na kondisyon. Ang apat na earflaps ni Midas ay konektado sa kanyang ear canal.

Umaasa naman si Dosemeci na ang pagiging popular ni Midas ay maghihimok sa mga tao na mag-ampon ng mga hayop kaysa bilhin sila mula sa mga tindahan.

“People are so surprised, they can’t believe it…Everyone wants to come to see her, or they want photos,” ang sinabi ni Dosemeci.

“Some people also find her scary, but generally people think her sympathetic,” ang dagdag niya.

Tara at panoorin natin ang maikling video clip ni Midas, ang espesyal na pusa.

SOURCE: @Reuters YouTube Channel

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show