PUMANAW NA MISTER, NAGPAKITA KAY MISIS SA PANAGINIP PARA ITURO ANG NAKATAGONG P3 MILYON

Isang ginang mula sa Pampanga ang nagkuwento na nagpakita sa panaginip ang kanyang pumanaw na asawa para ituro nito ang naipong P3 milyon.

Nang masawi si Tatay Manuel Canilao dahil sa atake sa puso, nagkaproblema sa pinansyal ang kanyang pamilya. Kaya naman, binalak nilang ibenta ang bahay na itinayo ng kanilang ama. 

Ayon kay Nanay Mercedes, madalas niyang napapanaginipan si Tatay Manuel simula ng mamatay ito. Batay sa isang episode ng Kapuso Mo Jessica Sojo (KMJS) show ng GMA Network, inalala ni Nanay Mercedes kung gaano katipid ang kanyang asawa. Bilang mangingisda, laging nagtatabi si Tatay Manuel ng pera bilang ipon niya.

Dahil sa pagiging matipid, nakabili si Tatay Manuel ng sariling bangka na nagkakahalaga ng P1 milyon at kalaunan ay nakabili siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Nang atakihin sa puso si Tatay Manuel, sinabi niya sa kanyang mga anak na mayroong nakatagong pera sa ilalim ng mga unan at mga shorts na kanyang isinusuot.

SOURCE: Rachfeed Net

Batay pa kay Nanay Mercedes, napanaginipan niya ang kanyang asawa na inuutusan ang kanilang mga anak na sirain ang bodega dahil me makikita sila doon.

Habang nasa bodega, natagpuan ng mga anak ang isang nakatagong compartment. Nagpatuloy sila sa paghahanap hanggang me makita sila na kanilang lubos na ikinagulat.

Natagpuan nila ang mga garapon na naglalaman ng maraming P1K bills. Matapos bilangin, umabot ang kabuuang halaga sa mahigit P3 milyon.

Hindi naman mapigilan ni Nanay Mercedes na mapaluha. Sinabi niyang ginamit sana ni Tatay Manuel ang kanyang ipon para mapagamot ang sarili. Binigyan naman ni Nanay Mercedes ng tig-P100K ang bawat isa sa kanilang 11 anak habang ang natitira ay inilagay niya sa bangko bilang ipon.

Mapapanood natin ang buong kuwento sa online video ng KMJS.

SOURCE:  GMA Public Affairs YouTube Channel

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show