PHARMALLY EXECUTIVE NA UMAMING MAY IREGULARIDAD SA KOMPANYA, HINDI NA MAKONTAK!

Isang opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. ang hindi na makontak ng mga senador matapos ang kanyang mga kontrobersyal na testimonya sa pagdeliver ng mga COVID-19 supplies sa pamahalaan. Ito ang isiniwalat ni Senador Richard Gordon noong Linggo (September 26).

Sa kanyang Twitter post, ibinunyag ng Senador na hindi na nila mahagilap si Krizle Grace Mago. Siya ang Pharmally executive na umaming binago ang expiration dates ng face shields na ipinadala sa Department of Health (DOH).

Nangyari ito matapos mag-alok ang Senado ng proteksyon para kay Mago.

“Pharmally Pharmaceutical official Krizle Mago hindi na ma-contact ng Senate Blue Ribbon Committee!” Ito ang pahayag ni Gordon na siya ring chairman ng Senate panel.

SOURCE: @DickGordonDG twitter

“Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksyon ng Senado ngunit nais niya muna raw itong pag-isipan,” ang dagdag ng Senador.

Ikinuwento rin ng tanggapan ni Gordon na tinanong ng Senate blue ribbon committee  ang address at lokasyon ni Mago noong Setyembre 24 para sa proteksyong inaaalok sa kanya.

Mga bandang 7:27 p.m. sa parehong araw, sinabi ni Mago na babalikan niya ang Senado pagkatapos ng Pandinig.

Makalipas ang dalawang araw, nagfollow-up ang committee sa kinaroroonan ni Mago. Bandang 9:13 a.m., hindi na makontak ng committee ang phone ni Mago.

“The Committee tried calling her number but she can no longer be reached,” ang pahayag ng Committee.

Sa nakalipas na Pandinig, inamin ni Mago na binago niya ang certificates ng “substandard” face shields batay sa utos ni Pharmally corporate treasurer at secretary Mohit Dargani. Kaagad naman itong itinanggi ni Dargani.

Naniniwala rin si Mago na ang kompanya ay dinadaya ang gobyerno matapos ang mga tampered certificates.

Ang Senate blue ribbon committee ay kasalukuyang iniimbestigahan ang mga umano ay overpriced COVID-19 supplies na binili ng gobyerno noong nakaraang taon.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show