PH, NANGUNA SA BUONG MUNDO SA HABA NG ORAS NA NANONOOD SA PORNHUB!

Ang Pilipinas ang naitalang nangungunang bansa na may pinaka-mahabang oras na kinukunsumo sa panonood ng pornography. Ito ang inanunsyo ng online porn site na Pornhub sa kanilang 2021 Year in Review report.

Ayon pa sa Pornhub noong Disyembre 14, ang mga Filipino ay umuubos ng average na 11 minuto at 31 segundo kada pagbisita sa kanilang site. Sinundan ito ng Japan na may 10 minuto at tatlong segundo, France na may 10 minuto at dalawang segundo, Netherlands na may siyam na minuto at 59 segundo at Ukraine na may siyam na minuto at 53 segundo.

“This year, the Philippines tops the list of the longest lasting countries at 11 minutes 31 seconds. Japan is the only Top 20 country with an increase in viewing time (+12 sec) making it the second longest lasting country at 10 minutes 3 seconds,” ang pahayag ng porn site.

Bukod pa doon, mas maraming kababaihan (52%) ang naitalang nanonood ng porn site kaysa mga kalalakihan (48%) sa bansa.

SOURCE: ABS-CBN

Batay pa din sa ulat ng Pornhub, ang pinaka-searched keyword sa bansa ay nananatiling “pinay” at sinundan ito ng “hentai,” “japanese,” “pinoy,” “korean,” “asian,” japanese uncensored,” “japanese wife,” “anime,” at “lesbian.”

“The most searched term in the Philippines continues to be ‘pinay’, while several other terms appeared in the top 10 for the first time including ‘korean’ (+9), ‘asian’ (+23) and ‘anime’ (+12),” ang sinabi ng online adult site.

“2021’s trending searches include a +460% increase for ‘threesome pinay’, +345% for ‘hentai anime’ and +316% for ‘Rule 34’. Compared to the rest (of) the world, visitors from the Philippines are +286% more likely to view the Hentai category, +134% more into Romantic videos and +111% more into Cartoon,” ang dagdag nito.

Samantala, nasa ika-siyam na puwesto ang bansa sa traffic na dinudulot nito sa porn site. Nasa unang puwesto naman ang Estados Unidos habang sumusunod naman ang United Kingdom, Japan, France, Italy, Mexico, Canada at Germany.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show