PH, MAY PINAKAMABABANG ‘ZERO TRUST’ ADOPTION SA ASIA-PAC AYON SA STUDY

Ang Pilipinas ay lumilitaw na may pinakamababang adoption ng security measures sa buong Asia-Pacific para sa mga empleyado nito kontra cyber threats saan man ang lokasyon o network. Ito ay batay sa bagong pag-aaral na isinagawa ng cybersecurity company na Okta.

Ayon sa 2021 na ulat sa State of Zero Trust Security sa Asia Pacific, may 5% lang ng mga organisasyon sa bansa ang mayroong security strategies na tinatawag na Zero Trust.

Ang Zero Trust ay sinasabing tinitiyak ang access ng mga users sa security initiatives saan man ang kanilang lokasyon, device o network. Sinisigurado rin nito na ang mga tamang tao ay may tamang level ng access at tamang resources.

Kung ihahambing ang Pilipinas sa mga kapitbahay nitong bansa sa Asya, ang Japan ay may 32%, ang Hong Kong ay 17%, ang Malaysia ay 13%, ang Australia ay 11%, ang South Korea ay 10% at Indonesia ay 10%.

Napag-alaman din ng pag-aaral na 95% ng mga lokal na kompannya ay nais mapagbuti ang kanilang Zero Trust Initiatives sa darating na 12 hanggang 18 buwan.

Sinabi ni Okta APAC Regional Chief Security Officer Ben King na anumang paggalaw patungo sa pagbubuo ng security intiatives ay maituturing na pag-unlad.

“I think in a perfect world, it wouldn’t be fast enough. In a perfect world, we would have these things solved already,” ang pahayag ni King sa panayam ng GMA News.

“Every week in the media we are seeing new attacks as I mentioned whether they’re ransomware, whether they’re a supply chain attack with someone compromising a large supply, and the going and compromising their customers in some cases doing supply chain ransomware,” ang dagdag niya.

Napag-alaman din ng Okta na 85% ng mga kompanya sa bansa ay tumaas ang priority para sa Zero Trust Initiatives. Gayunpaman, hindi ito ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin.

“There might have been bigger priorities socially or organizationally or nationally to focus on rather than Zero Trust,” ang sinabi ni King.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show