PH GYMNAST CARLOS YULO, HINAHANAPAN NG SPORTS PSYCHOLOGIST

Ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo ay nabigong makakuha ng medalya sa nagdaang Tokyo Olympics. Umaasa ang mga handlers niya na masosolusyonan ito sa pamamagitan ng isang sports psychologist.

“Hiring a psychologist for Caloy is very important,’’ ang pahayag ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion-Norton sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Huwebes (September 16).

May sapat na ebidensya para suportahan ang ganitong pananaw. Matatandaang nagwagi ng gold medal si Hidilyn Diaz sa weightlifting habang sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay nakuha ang silver medals sa boxing. Si Eumir Marcial naman ay nasungkit ang bronze medal sa boxing din.

Lahat ng mga atletang ito na nakakuha ng medalya ay mayroong parehong katangian. Isang team na kinabibilangan ng mga coaches, nutritionists at psychologists. Si Karen Trinidad ang mental coach ni Diaz habang si Marcus Manalo naman ang psychologist sa boxing team.

Sa kasamaang palad, sina Trinidad at Manalo ay wala sa team ni Yulo.

“Coach Mune (Munehiro Kugimiya) is already looking for a psychologist for Caloy. We are trying to get a Japanese one,’’ ang sinabi ni Carrion-Norton, ang board director ng Asian Gymnastics Union.

Ang 21 taong gulang na gymnast ay kumpleto na ng skills para magawa ang kanyang routines sa world-class level sa lahat ng anim na apparatuses – floor exercise, pommel horse, rings, vault, parallel bars at horizontal bars.

Gayunpaman, nabigo si Yulo na makasungkit ng medalya sa anim na kategorya ng gymnastics.

“I came here really prepared. I did my best,” ang sinabi ni Yulo matapos ang kompetisyon.

“Maybe it just wasn’t meant for me,” ang dagdag niya.

Ang mga handlers ni Yulo ay naniniwalng isang psychologist ang maaaring magsilbing susi para lalo siyang mas maging mahusay.

Samantala, nag-alok na ang Philippine Sports Commission (PSC) ng suporta kay Yulo sa pagbubuo nito ng team ng coaches kabilang ang sports psychologist.

“Caloy is now really focused on training with coach Mune for the world championship. It is very important for his quest for gold,’’ ang sinabi ni Carrion-Norton.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show