PAUL MCCARTNEY, ITINURO SI JOHN LENNON NA DAHILAN SA PAG-DISBAND NG BEATLES!

Sa mahigit 50 taon, inako ni Sir Paul McCartney ang sisi sa paghihiwalay nilang mga miyembro ng grupong Beatles na tinaguriang pinaka-popular na rock band.

Ang ebidensya umano ay galing sa press release ng kanyang 1970 solo album na “McCartney” kung saan ibinunyag ni McCartney na naka-break siya mula sa grupo.

Gayunpaman, isiniwalat ng dating Beatle member na si Lennon ang tunay na dahilan sa paghihiwalay ng banda sa panayam sa kanya ng BBC.

“I didn’t instigate the split. That was our Johnny… I am not the person who instigated the split,” ang sinabi ni McCartney kay John Wilson.

“Oh no, no, no. John walked into a room one day and said I am leaving the Beatles. And he said, ‘It’s quite thrilling, it’s rather like a divorce.’ And then we were left to pick up the pieces,” ang dagdag niya.

Tinanong ni Wilson kung magpapatuloy ang banda kung hindi umalis si Lennon.

“It could have,” ang tugon ni McCartney.

“The point of it really was that John was making a new life with Yoko and he wanted… to lie in bed for a week in Amsterdam for peace. You couldn’t argue with that. It was the most difficult period of my life,” ang dagdag niya.

“This was my band, this was my job, this was my life…I wanted it to continue. I thought we were doing some pretty good stuff – Abbey Road, Let It Be, not bad – and I thought we could continue.”

Ikinuwento rin ni McCartney na ang kaguluhan sa paghihiwalay ng Beatles ay dahil sa bagong manager ng banda na si Allen Klein. Ayon kay McCartney, sinabi ng manager na kailangang maayos muna nila ang usaping negosyo tungkol sa grupo.

“So for a few months we had to pretend,” ang sinabi niya kay Wilson.

“It was weird because we all knew it was the end of the Beatles but we couldn’t just walk away,” ang dagdag niya.

Kaya naman, napilitang idemanda ni McCartney ang iba pang miyembro ng banda para mapanatili nila ang kanilang musika sa halip na mapunta kay Klein.

“I had to fight and the only way I could fight was in suing the other Beatles, because they were going with Klein,” ang salaysay ni McCartney kay Wilson.

“And they thanked me for it years later. But I didn’t instigate the split,” ang dagdag niya.

Ang buong panayam ay maririnig sa bagong BBC Radio 4 series na “This Cultural Life” na nakatakdang i-broadcast sa Oktubre 23.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show