PAU GASOL, NAGRETIRO NA SA PROFESSIONAL BASKETBALL

Makalipas ang 23 taong karera, dalawang NBA titles at tatlong Olympic medals, inanunsyo ni Pau Gasol ang kanyang pagreretiro sa basketbol noong Martes (October 5) sa isang news conference sa Liceu theater sa Barcelona.

“I’m here to tell you that I’m going to retire from professional basketball. It’s a difficult decision after so many years but it’s a decision I’ve taken carefully,” ang pahayag ni Spanish basketball superstar.

Si Gasol, edad 41 at may taas na 7 feet 1, ay unang sumabak sa professional basketball noong 1998 bilang sentro ng Barca. Ito ay bago siya naglaro sa koponan ng Memphis Grizzlies sa NBA noong 2001.

Nanalo siya ng dalawang NBA titles kasama ang koponan ng Los Angeles Lakers noong 2009 at 2010. Napili rin siya sa All-Star team sa anim na okasyon.

Bukod sa Lakers, nakapaglaro rin si Gasol sa mga koponan tulad ng ng Chicago Bulls, San Antonio Spurs, Milwaukee Bucks at Portland Trail Blazers.

Bumalik na si Gasol sa Barcelona noong unang bahagi ng taon. Tinulungan niya ang kanyang childhood club na mapanalunan ang Spanish championship noong Hunyo.

Ang Spanish basketball star ay naging malaking tulong para masungkit ng Spain ang silver medal noong 2008 at 2012 Olympic Games at bronze naman noong 2016.

Dinetalye rin ni Gasol sa news conference ang kanyang naging laban para gumaling mula sa stress fracture ng kanyang kaliwang paa noong 2019.

“Not many doctors thought I’d be able to recover but I’m a person who likes challenges and I wanted to fight to do the improbable,” ang sinabi ni Gasol.

“I got to the point where I was relaxed about my career ending, I was at peace. But when things went well I took the decision to sign for Barcelona which wasn’t in my plans. But I managed to win the league with the club where it all began and where I made my debut. It’s been very special,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show