PARI MULA SA SULTAN KUDARAT, VIRAL ANG DANCE MOVES SA TIKTOK!

Isang pari sa Sultan Kudarat ang naging viral sa TikTok dahil sa kanyang mahusay na pagsasayaw.

Ayon sa ulat ng GMA News noong Miyerkules (October 6), si Father Weng Pelingon ay isang assistant priest sa San Pedro Calungsod Parish sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sa gitna ng paghihigpit na dulot ng pandemya, si Fr. Pelingon ay nagdesisyong gumawa ng TikTok account. Ito ay para maging abala siya sa kanyang tahanan sa halip na umupo ng buong araw.

Hindi lang salita ng Diyos ang naibabahagi ni Fr. Pelingon kundi pati na rin postibong vibes online dahil sa kanyang maiikling dance videos.

Ikinuwento rin ng pari na dati na siyang sumasali sa iba’t-ibang dance contests at kompetisyon noong bata pa lang siya. Ang pagsasayaw ang kanyang naging comfort zone, pahinga, at inspirasyon sa buhay.

Paborito niyang isinasayaw ang K-pop genre sa TikTok. Ilan sa mga kanta ay mula sa grupong BLACKPINK, TWICE, at BTS.

Dahil sa mga videos ni Fr. Pelingon, marami ang pumuri at kinagiliwan ang kanyang dance moves.

Gayunpaman, may ilang mga netizens pa rin ang pumuna sa kanya dahil sa pagsasayaw habang nakasuot ng damit para sa pari.

May pagkakataon na naisip ni Fr. Pelingon ang tumigil sa pagpo-post ng videos pero napagtanto niya na wala siyang ginagawang masama.

“[We shouldn’t hide the talent we have because] it was given to us freely and we have to share it,” ang kanyang pahayag.

Basahin natin ang ilang komento ng mga netizens.

“God bless sis!” Ang sinabi ng isang social media user.

“Okay na yan kesa sa mga paring mga nasa Metro Manila inuuna ang pamumulitika kesa mga magagandang balita mula sa Panginoong Jesus,” ang sinulat ng isang user. “Mga perfect kayo??? There is no one in this world who is without sin… At sumasayaw lang si Father. It is a minor thing. And he is a millennial. So it is acceptable,” ang pahayag naman ng isa.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show