PAOLO CONTIS, NAGKOMENTO SA ANNULMENT NILA NI LIAN PAZ

Sa isang esklusibong panayam, nagbigay ng reaksyon ang aktor at komedyanteng si Paolo Contis tungkol sa kagustuhan ng kanyang estranged wife niyang si Lian Paz na mapabilis ang proseso ng kanilang annulment nang sa ganoon ay makalaya na ito at malayo sa apelyido ng aktor.

Matatandaang nito lamang November 23 nang ipahayg ni Lian na desidido siyang ituloy ang kanilang annulment kahit pa siya ang mag-asikaso nito. Matagal na raw itong nasimulan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Si Paolo raw nag umasikaso nito at wala siyang ideya kung ano na nag nangyari dito.

Lian Paz Refuses to Acknowledge Paolo Contis as Xalene's Dad
Photo Source: Kami.com.ph

Paliwanag ni Lian, “It doesn’t mean I want to get married, but I just want my freedom back.

“Alam mo yung ganoong feeling? Na hindi mo na bitbit yung surname niya sa passport? Na kada magta-travel ako, Contis pa rin?

“Nakikita ko naman na marami na ang kaganapan sa buhay niya, at ang annulment ng kasal namin, parang yun talaga ang missing piece para maging malaya na kami mula sa isa’t isa.”

Samantalng ayon kay Paolo, ongoing pa rin hangang ngayon ang kanilang kaso ngunit nagkaroon lang ng konting problema dahil sa pandemya.

Paliwanag niya, “Ongoing naman ang case, e. Sobrang na-delay lang because of the pandemic.”

Bukod pa roon, marami rin ang nagsasabi na tila pinabayaan ng aktor ang kanyang dalawang anak kay Lian at ang isa pa niyang anak kay LJ Reyes dahil sa bagong babaeng nauugnay dito na si Yen Santos.

Netizens wonder why Paolo Contis unfollows LJ Reyes, deletes their photos  together on Instagram - The Filipino Times
Photo Source; The Filipino Times

Ayon sa aktor, huwag daw sanang idamay ang kanyang mga anak sa mga isyu sa kanya dahil hindi raw alam ng publiko kung paano siya bilang ama.

Ani Paolo Contis, “Ayoko na lang sagutin ‘yan pagdating sa mga anak ko. Hindi naman sila kasali sa isyu.

“Pero huwag naman sana nilang husgahan ang pagiging ama ko. Wala naman silang alam. Basta ako, magtatrabaho na lang.”

Sa ngayon ay busy lang daw siya sa paggawa ng mga proyekto at focus muna siya sa kanyang trabaho.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show