PANGULONG DUTERTE, UMATRAS NA SA PAGKA-SENADOR SA ELEKSYON 2022

Si Presidente Rodrigo Duterte ay pormal ng inatras ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador noong Martes (December 15).

Ginawa ito ng Pangulo ilang oras matapos iurong ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang COC sa pagka-presidente.

“The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” ang pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa kanyang tweet.

SOURCE: @jabjimenez twitter

Matatandaang pinili si Duterte ng kanyang partido na PDP-Laban na tumakbo sa pagka-bise presidente para sa Eleksyon 2022.

Sinabi ng Pangulo na magreretiro na siya sa politika kapag natapos na ang kanyang term sa Hunyo 30, 2022. Gayunpaman, naghain siya ng kanyang COC sa pagka-senador.

Sa kanyang paghain ng COC bilang senador, nagsubstitute si Duterte para kay Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Samantala, si Bong Go ay naghain ng substitute COC sa pagka-presidente.

Si Duterte ay magfo-focus na lamang  sa COVID-19 response ng bansa at tiyaking magiging malinis ang Eleksyon 2022. Ito ang inanunsyo ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles

“The President believes that withdrawing from the Senate race will allow him to better focus on managing our pandemic response and sustain the progress we have made in the country and safely reopening the economy,” ang pahayag ni Nograles.

“He likewise views this as an opportunity to concentrate on efforts to ensure transparent, impartial, orderly and peaceful elections in May,” ang dagdag niya.

Binanggit rin ng spokesperson  ang dahilan sa  pagreretiro ng Pangulo.

“After over four decades in public service, the President plans to retire from government to spend more time with his family when his term ends in June 2022,” ang sinabi ni Nograles.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show