PAMILYA NI BREE JONSON, NAINSULTO SA ALOK NI MAYOR SARA DUTERTE!

Tila nainsulto ang pamilya ng artist na si Bree Jonson sa alok na tulong ni Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon sa suhestiyon ng alkalde, maaaring makakuha ng tulong ang pamilya mula sa lokal na pamahalaan para sa gastos sa pagpapalibing ng labi ni Bree.

Para sa pamilya ni Bree, ang kailangan nila ay ang mabilis na aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pag-aresto kay Julian Ongpin. Siya ang anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin at huling kasama ni Bree bago ito natagpuang patay. Inaresto siya ng kapulisan matapos makitaan ng 12.6 grams ng cocaine ngunit kalaunan ay pinalaya rin.

Bagama’t nag-utos na ang Pangulo para sa masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Bree, ibinunyag ng kanyang ina na si Salome sa Inquirer na walang kumontak sa kanila para imbestigahan ang kaso.

Nagpahayag din si Mayor Sara Duterte sa kanyang radio program ng pakikiramay sa pamilya ni Bree at sinabi na maaaring makakuha ng tulong pinansyal ang pamilya mula sa pamahalaan para sa pagpapalibing ng labi ng artist.

“The loss of a loved one cannot be replaced. We are with you in your grieving at this time,”ang pahayag ng alkalde.

SOURCE: Vintana PH

Ikinagulat naman ito ni Salome at sinabing walang lumapit sa kanila para mag-alok ng tulong.

Samantala, nagpost sa social media ang pinsan ni Bree na si Jill Villanueva Palarca at sinabing tila nainsulto siya sa alok na tulong ng alkalde. Ang nais nila ay magkaroon ng katarungan ang pagkasawi ni Bree.

“Yes, sa totoo lang, medyo nainsulto ako dun sa sinabi ni Sara na we can avail of the funeral assistance,” ang sinulat ni Palarca.

“Uhm, marami na pong pwedeng magbigay niyan sa amin, Mayor. Ang kailangan namin, powers niyo at hindi baryang pera,” ang dagdag niya.

“Please lang. Do something. Say something. This was your father’s campaign banner in 2016.”

Ayon pa kay Palarca, nais niyang makarating ang mensahe niya kay Pangulong Duterte at nanawagan sa kanyang mga kaibigan na ibahagi ito.

“Use my caption. Hindi kami takot. This is a national issue. Our justice system continues to fail the citizens of this nation. If these leaders cannot serve the interest of the oppressed, then we are all doomed,” ang sinulat ni Palarca.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show