PAGTAKBO BILANG BISE PRESIDENTE NI DR. WILLIE ONG, WALA SA PLANO

“Wala po talaga sa plano ito.”

Ito ang naging pahayag ni Doc Willie Ong kaugnay sa kanyang desisyong kumandidato bilang bise presidente ni Manila Mayor Isko Moreno, na tatakbong pangulo ng Pilipinas, sa 2022 elections.

Who is Doc Willie Ong, Isko Moreno's VP?
Photo Source: Rappler

Sa naganap na campaign launch nitong Miyerkules, humingi siya ng paumanhin sa mga taong nagulat sa kanyang naging desisyon. Ayon sa kanya, hindi rin niya inasahan na makukumbinsi siya ni Mayor Isko na tumakbo.

Pahayag niya sa kanyang talumpati, “Wala po talaga sa plano ito. Handang-handa na tayong manahimik, tumulong, lahat ng kaya ko maitulong sa pribado, ready na po.

“Kaya lang, maraming coincidence na pagkakataon na nangyari ngayon na hindi ko alam kung bakit ganoon,” dagdag pa niya.

Noong unang pagkakataon daw na inaya siya nito ay tumanggi siya dahil gusto na lang sana niya ng tahimik na buhay. Gusto niyang tahimik na lang na tumulong at magserbisyo sa kanyang mga kababayan.

Ani Doc Willie Ong, “Pero noong unang pagkakataon, tumanggi pa rin ako sa kanya. Sabi ko, ‘Okay na ako dito. Ayoko ng gulo.’

“Pero nung matagal-tagal, tumawag siya uli kahit tumanggi na ako. Ang sabi niya, ‘Dahil nakausap kita, hindi ka na puwedeng senador sa lineup ko. Gagawin na kitang vice president.”

Isko Moreno and Willie Ong declare bid for 2022 election | ABS-CBN News
Photo Source: ABS-CBN News

Bagamat aminadong mahihirapan siya, hindi raw ito magiging hadlang sa kagustuhan niyang tumulong. Parehas daw sila ng layunin ni Mayor Isko, at ito ay ang maipadala sa bawat Pilipinong nangangailangan, ang tulong ng gobyerno.

Ayaw raw nila ng powerpoint, ayaw nila ng bola, ayaw nila ng pa-cute, ang gusto raw nila ay kumilos at magbigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show