PACQUIAO, NANGAKONG HAHABULIN ANG MGA NAKAW NA YAMAN NG PAMILYANG MARCOS!

Sinabi ni Presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao na dapat ibalik ng pamilyang Marcos sa pamahalaan ang mga ninakaw na yaman nito mula sa bansa. Nangako ang senador na muli niyang susuriin ang mga kaso ng Marcoses kapag nagwagi bilang pangulo sa Eleksyon 2022.

“Ayaw ko kasing manira pero ‘yung issue ng yaman na hawak ng mga Marcoses, kung ano man ‘yung nanakaw nila sa ating gobyerno, kailangan dapat ibalik ang mga sinisigaw ng taong bayan,” ang pahayag ni Pacquiao sa kanyang panayam sa ANC.

“At kung sakali man ako ay tatanungin at ako ay mapalad na ilagay ng taong bayan sa posisyon na ‘yan, e ire-review natin lahat ng imbestigasyon at sinasabing yaman na nakuha ng mga Marcoses, kung magkano talaga, para maibalik sa ating bansa,” ang dagdag niya.

Sumang-ayon din ang senador na dapat humingi ng tawad ang pamilyang Marcos sa mga ginawa ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

“Sang-ayon ako diyan dahil kung nagkamali ka marunong kang humingi ng patawad,” ang sinabi ni Pacquiao.

Ayon pa rin kay Pacquiao, hindi masasabi ni dating senador BongBong Marcos na masyado pa siyang bata noong panahon na presidente ang kanyang ama sa mahabang panahon.

“Doon sa sinabi ni Bongbong, sorry to say ayaw ko manira, pero ito sinabi niya na bata pa raw siya nung time na yon, which is hindi tama na sabihin na wala pa siyang alam sa mga nangyayari nung panahon ng tatay niya,” ang sinabi ng senador.

“Actually nakasuot po siya ng camouflage non, ‘yung coat ng army po nung nasa Malacañang s’ya at hindi niya pwedeng sabihin na wala siyang alam,” ang dagdag niya.

Samantala, tinanong ng GMA News ang chief of staff ni Bongbong na si Atty. Vic Rodriguez sa reaksyon ng kanyang kandidato sa komento ni Pacquiao. Sa kasalukuyan, wala pang tugon ang kampo ni Bongbong.

Bago magsimula ang paghain ng certificate of candidacy (COC) para sa Eleksyon 2022,  inutusan ng Sandiganbayan ang Royal Traders Holding Company, Incorporated (RTHCI) na bayaran ang pamahalaan ng Pilipinas ng hindi bababa sa P367 million na interest sa bawat taon simula noong 1993. Ayon sa Sandiganbayan, ito ay bahagi ng mga nakaw na yaman ng yumaong diktador.

Noong 2013, ipinatupad ang Marcos Compensation Law para magbigay ng pinansyal na bayad sa mga survivors ng torture at human rights violation sa panahon ng Martial law.

Ang pondo ay nagmula sa P10 billion na ninakaw ni Marcos at na-deposit sa Swiss bank.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show