PACQUIAO, IDEDEMANDA ANG DATING AIDE NA SI JAKE JOSON

Si senador Manny Pacquiao ay magsasampa ng mga kaso laban sa dati niyang aide na si Jake Joson. Ito ay matapos akusahan ni Joson ang boxing icon na humingi ng hindi bababa sa P165 million bilang paunang bayad sa laban umano kontra kay Conor McGregor.

Si Atty. Nikki de Vega ang legal counsel at tagapagsalita ni Pacquiao. Sinabi niya na ang kampo ng senador ay maghahain ng mga kasong kriminal kabilang ang cyberlibel at estafa laban kay Joson dahil sa mga “fabricated claims” nito.

“Regarding sa claims niya, to be honest they are fabricated claims. P165 million na kanyang ina-advance daw na pera, those are baseless and false,” ang pahayag ni De Vega sa isang press conference.

“We are actually going to file necessary criminal case. Cyberlibel, estafa, syndicated estafa. Siguro hintayin natin d’on. Pag naifile na namin, makikita ninyo doon,” ang dagdag niya.

Noong Hunyo, ang Paradigm Sports Management ay nagsampa ng multi-million dollar lawsuit laban kay Pacquiao dahil sa pagsira sa kontrata.

Samantala, sinabi ni Joson sa isang panayam na humingi si Pacquiao ng cash advance para sa laban niya umano kay McGregor.

Ayon pa kay Joson, nabuo nila ang labang Pacquiao-McrGregor sa tulong ng Paradigm Sports. Nakahingi sila ng $2 million para kay Pacquiao mula sa Paradigm Sports.

“So kinausap namin ang Paradigm, para mapagbigyan. Naayos po namin, on record po ‘yan. So nagbigay ang paradigm ng $2 million kay Senator MP as a cash advance since lalaban naman siya kung ano gusto ng Paradigm,” ang kuwento ni Joson.

Batay rin sa salaysay ni Joson, iniwan sila ni Pacquiao matapos niyang matanggap ang pera,

“To cut the long story again, part three, nabigay namin ang pera. Nagkasanla-sanla po kami. Nakuha niya ‘yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami,” ang dagdag ni Joson.

Ayon naman kay atty. De Vega, ang dating aide ay hindi bahagi ng kontratang napagkasunduan sa Paradigm Sports.

“Hindi po natin siya pwedeng matawag na naghahanap ng fight sa boxing ni Senator Manny. Meron po talagang mga tao si Senator Manny para d’on, professionally run,” ang sinabi ng abugado ni Pacquiao.

Ibinunyag din ni De Vega na sinabihan ni Pacquiao si Joson dahil sa mga iregularidad nitong ginawa dati.

“Pag mali kay kay Senator Manny, mali iyon. Kahit matagal ka nang kakilala. Kung mali, mayroong katiwalian, may hindi magandang ginagawa, talagang naninindigan si Senator Manny sa tama,” ang dagdag ng abugado.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show