ONG, DARGANI NG PHARMALLY, SUMAILALIM SA COVID-19 TEST BAGO ILIPAT SA PASAY CITY JAIL!

Ang mga Pharmally officials na sina Linconn Ong at Mohit Dargani ay sumailalim sa medical checkup at antigen coronavirus disease 19 (COVID-19) ngayong Lunes (November 29).  Ito ay kailangan bago sila ilipat mula sa Senado papuntang Pasay City Jail.

Ang Senate blue ribbon committee ang nag-utos na ilipat ang dalawa matapos nilang mabigong magpakita ng mga dokumento para sa imbestigasyon ng pagbili ng gobyerno sa mga COVID-19 pandemic supplies.

Si Ong ang director ng Pharmally habang si Dargani ang corporate secretary at treasurer.

Kaninang umaga ng Lunes (November 29), naglabas ang Senate media bureau ng mga litrato nina Ong at Dargani habang sinusuri sila ng mga duktor at medical personnel ng Senado.

Nakatakda silang dalhin sa Pasay City jail ngayong hapon ng Lunes (November 29).

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Xavier Solda, nakahanda silang tanggapin ang dalawang Pharmally officials.

Tiniyak din ni Solda na hindi bibigyan ng espesyal na pagtrato ang nasabing mga opisyal ng Pharmally.

“Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng aming mga (persons deprived of liberty) PDL. Patas na pagmamalasakit sa lahat,” ang pahayag ni Solda.

Noong Linggo (November 28), pinirmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang commitment order na nag-uutos ng pagkulong kina Ong at Dargani sa Pasay City jail.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang paglipat ng P42 billion COVID-19 funds mula sa Department of Health (DOH) papuntang Department of Budget and Management (DBM).

Kasama rito ang pagbili ng DBM ng P8.6 billion na halaga ng face masks, face shields at personal protective equipments (PPEs) mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC). Ito ang kompanyang mayroon lamang na P625,000 paid-up capital ng makipag-transaksyon sa pamahalaan.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show