NOLI DE CASTRO, UMURONG SA PAGTAKBO BILANG SENADOR!

Inanunsyo ni dating vice president Noli de Castro ngayong Miyerkules (October 13) ang pag-urong niya sa pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022. Ito ay dahil sa pagbabago niya sa kanyang mga plano.

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec (Commission on Elections) noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” ang pahayag ni De Castro.

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura,” ang dagdag niya.

Si De Castro ay isa ring beteranong broadcaster at dating senador. Napagtanto niya na mas makakatulong siya sa publiko kung ipagpapatuloy niya ang kanyang propesyon sa pamamahayag.

“Gayunpaman, hindi po nagbago ang aking layunin at hangad para sa bayan. Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makakatulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” ang sinabi ni De Castro.

Si De Castro ay tatakbo sana sa ilalim ng Aksyon Demokratiko na partido ni Manila Mayor Isko Moreno. Nagpasalamat din ang beteranong broadcaster kay Moreno at sa buong partido sa pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya.

Samantala, ginagalang ng alkalde ng Maynila ang desisyon ni De Castro.

“In truth, when my team was convincing him to run once more for the Senate, he contemplated it for a long time,” ang pahayag ni Moreno.

“We respect his decision to forego his re-entry into national politics, and wish him well because we know that he will continue to have the best interests of our people, as the Pambansang Kabayan, in his heart,” ang dagdag niya.

Ayon naman kay Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel, mananatiling miyembro ng partido si De Castro.

“[W]e will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos,” ang sinabi ni Ramel.

“We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show