NOLI DE CASTRO, MULING TATAKBO NGAYONG ELEKSYON BILANG SENADOR

Pormal nang inanunsiyo ng beteranong broadcaster na si Noli de Castro na siya ay tatakbong muli sa pagka-senador sa darating na eleksyon sa 2022.

Matatandaan na noong taong 2001 ay nahalal si Noli bilang senador matapos niyang manguna sa botohan. Samantalang 2004 naman noon nang manalo siyang vice president ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Noli de Castro bids goodbye to ABS-CBN, joins Isko's Aksyon
Photo Source: Rappler

2010 naman, pagkatapos ng kanyang termino ay nagdesisyon ito na bumalik sa telebisyon.

Huwebes, October 7, nang tululuyan siyang magpaalam sa kanyang mga prorama sa radyo at telebisyon.

Pamamaalam niya sa Teleradyo program na Kabayan, “Sorry to say na ito na ho ang huling araw ko dito sa TeleRadyo for so many years, at kami ho’y nagpapasalamat sa mga nakasama ko dito.”

Kinakailangan ding iwan ni Noli ang primetime news program ng ABS-CBN na TV Patrol.

Pahayag nito, “Kabayan, mga Kapamilya, ito na po ang huling gabi ko sa TV Patrol. Matapos po ang malalim na pagsusuri at mataimtim na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon.”

“Dahil po sa hakbang na ito, kinakailangan na iwan ko ang TV Patrol at ang ABS-CBN, para ipagpatuloy po ang serbisyo publiko sa iba namang larangan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala sa maraming taon na tayo’y nagkasama sa bawat balita na inihahatid ko sa inyo,” dagdag pa ni Kabayan.

Aminado si Noli na masakit para sa kanya na mamaalam sa programang kanyang minahal pero handa siya na humarap sa mga hamon sa panibagong yugtong ng kanyang buhay.

Noli De Castro Eyes Political Comeback, ABS-CBN Issues Statement
Photo Source: Philnews.ph

Samantalang isa sa mga tinalakay ni Noli sa kanyang pamamalam sa TeleRadyo ay ang kagustuhan niya na muling maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon sa kanya, nalulungkot daw siya naiwanan ang nasabing network ngayong wala itong prangkisa.

Umaasa raw siya na muli itong mababalik sa tulong ng mga bagong kongresista na uupo ngayon sa bagong kongreso.

“At sana po ay makabawi kami sa mga darating na taon sa pamamagitan po ng inyong mga panalangin na magbago ang ihip ng hangin sa mga congressman na uupo bilang mga bagong kongresista sa bagong Kongreso sa 2022,” ani Noli de Castro.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show