NIKKO NATIVIDAD, UMAMING MINSANG NASAKTAN ANG KINAKASAMA

Emosyonal ang hashtag member na si Nikko Natividad sa kanyang guesting sa YouTube channel ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz nang balikan niya ang kanyang mga pagsubok na napagdaanan sa buhay.

Ayon kay Nikko, mula raw nang manalo siya sa Gandang Lalaki (2014-2015) ng programang It’s Showtime, malaki ang naging pagbabago sa kanilang buhay. Pero bago raw iyon mangyari, may malaking pagkakamali siyang nagawa sa kanyang kinakasamang si Cielo Mae Eusebio.

Fashion PULIS: Insta Scoop: Hashtag Nikko Natividad is Engaged with  Long-time Partner
Photo Source: Instagram @hashtag_nikko

“Pinagsisisihan ko… inamin ko ito nung sa interview na nagawa ko siyang saktan, physically,” emosyonal na pag-amin ni Nikko.

Sa dami raw ng pinagdaraanan niya noon, tila nagpatong-patong na ito kaya naman nagpagbuntungan na niya ang kanyang kinakasama.

Pagsasalysay niya, “Napagsasalitaan ko siya nang hindi maganda.

“Naging alcoholic kasi ako. Di ko alam kung anong dahilan. Dahil ba sa depression? Stress, kasi walang-wala, ‘no?”

Wala raw kasi siyang trabaho noong mga panahon na iyon at malapit na ring manganak si Cielo. Sa tuwing nasasaktan niya raw ito ay palagi siyang naka-inom. Hindi lang daw ito isang beses nangyari dahil naulit pa ito.

Humantong daw sa barangayan. Gusto na siyang ipakulong ng tatay ni Cielo ngunit hanggang huli ay sa kanya pa rin ito kumampi. Ipinagtanggol siya nito sa kanyang ama at sinabing magbabago ito.

Sa lahat daw ng kasalanang nagawa niya kay Cielo, never siya nitong sinumbatan. Kaya naman sa tuwing naaalala niya ang mga araw na iyon, sobra sobrang pagsisisi ang kanyang nararamdaman.

IN PHOTOS: Ang babaeng nagpapatibok sa puso ni Hashtag Nikko | ABS-CBN  Entertainment
Photo Source: ABS-CBN News

“Sabi ko sa kanya, ‘Pag inulit ko ito sa iyo, ipakulong mo ako. Kasi ayoko nang ulitin sa iyo ito, hindi lang physically. Emotionally, di kita lokokohin,’ yun ang sabi ko sa kanya,” ani Nikko Natividad.

Ngayon, pitong taon na ang kanilang relasyon at pinagpaplanuhan na rin nila ang kanilang kasal.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show