NETFLIX, TINANGGAL ANG 2 EPISODE SA ‘PINE GAP’ SERIES NA MAY ‘9-DASH LINE’

Inalis ng streaming giant na Netflix ang dalawang episode sa “Pine Gap” series na nagpapakita ng “nine-dash line.” Ito ay matapos ipag-utos ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagtanggal sa nasabing episodes ng Austraian drama show na “Pine Gap.”

Ayon sa pamahalaan, nilalabag nito ang sovereignty ng bansa dahil sa pagpapalabas ng mapa ng nine-dash line. Ito ay isang invisible demarcation na ginagamit ng China bilang basehan ng kanilang pag-angkin sa mga teritoryo sa South China Sea.

Tumalima naman s autos ang Netflix at inalis ang episodes two at three ng serye. Mababasa sa serye ang mensahe na ang nabanggit na episodes ay “removed by government demand.”

Noong Lunes (November 1),sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsampa sila ng reklamo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ang kanilang reklamo ay batay sa desisyon ng departamento noong Setyembre 28, 2021 na ipatanggal ang dalawang episodes dahil sa pagpapakita ng nine-dash line ng China at paglabag sa kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, nagdesisyon ang MTRCB na ilang episodes ng “Pine Gap” ay hindi angkop para sa public exhibition.

“Under a whole-of-nation approach, every instrumentality of the government, whenever presented with the opportunity, has the responsibility to counter China’s aggressive actions in the West Philippine Sea to assert the Philippines’ territorial integrity,” ang pahayag ng MTRCB.

“The illegal nine-dash line in Pine Gap is no accident as it was consciously designed and calculated to specifically convey a message that China’s nine-dash line legitimately exists,” ang dagdag ng Board.

Noon Hulyo, ang Vietnam ay inutusan ang Netflix to alisin ang buong serye dahil sa pagpapalabas ng “nine-dash line” ng China.

Katulad ng Pilipinas, ang Vietnam ay may territorial dispute sa China sa South China Sea.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show