NETFLIX, MAY BINAGO RAW NA ILANG EKSENA SA SQUID GAME?

Ang streaming giant na Netflix ay naulat na may binagong ilang eksenang nagpapakita ng phone number sa popular show na “Squid Game.” Ito ay matapos magreklamo ang isang ginang sa South Korea na dinagsa siya ng libo-libong tawag at text messages.

Ayon sa ulat ng CNN, si Kim Gil-young ay mayroong dessert shop sa Seongju county at ginagamit ang phone number sa nakalipas na 16 taon.

Nang magsimulang ipalabas ang “Squid Game,” nagsimula na ring makatanggap si Kim ng libo-libong tawag kada araw. Sa nakalipas na ilang araw, nakakatanggap siya ng daan-daang tawag at texts.

Dahil lubos ng nakaka-apekto ito sa buhay ni Kim, nagsimula na rin siyang uminom ng gamot para makalma. Ito ay matapos siyang ma-diagnosse ng doktor na mayroong acute stress disorder.

“I cannot focus because unknown numbers are repeatedly calling me,” ang sinabi niya sa CNN.

Ibinahagi rin ni Kim na una niyang kinuha ang number para sa kanyang personal use. Kalaunan, ginamit na niya ito para sa kanyang negosyo na nagsimula noong nakaraang isang taon at kalahati.

Nang ipalabas na ang “Squid Game,” hindi na niya mapatakbo ang kanyang negosyo gamit ang phone number.

“I had past customers who called to complain that they cannot get a hold of me. One caller asked for the product but when I offered it, said they were joking and hung up,” ang salaysay ni Kim.

“I cannot tell the difference between genuine business call and prank calls,” ang dagdag niya.

Kinumpirma naman ng Netflix na binago nila ang ilang bahagi ng series kasama ang eksena sa phone number.

“Together with the production company, we are working to resolve this matter, including editing scenes with phone numbers where necessary,” ang pahayag ng kompanya sa CNN noong Huwebes (October 7).

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show