NERI MIRANDA, MAY HANDOG NA TULONG SA COUPLE NA NA-SCAM

“Kami na bahala sa inyo.”

Ito ang naging mensahe ng entrepreneur na si Neri Miranda sa newlywed couple na na-scam umano ng kanilang wedding coordinator sa Cebu.

September 22, nang mag-viral ang isang post kung saan makikita na humahagulgol ang bride na si Cherry Pie Purisima pagkatapos ng kanyang wedding ceremony. Ayon sa photographer na nag-post, wala raw naabutan na reception ang dalawa at ang mga bista dahil sarado ang nasabing venue at wala ring handaan.

Photo Source: GMA News

Ayon sa management ng event place, wala raw na-book na event nung araw na iyon. Malaki ang posibilidad na na-scam sila ng kanilang wedding coordinator na hindi na nakontak pagkatapos ng wedding ceremony.

Samantalang September 23 naman nang mapabalita na nag-suicide raw ang nasabing wedding coordinator. Marami raw pala itong kaso ng estafa. Nagtangka raw itong maglaslas ngunit naagapan ng mga kapitbahay at naisugod pa sa hospital.

Neri Naig Offers Free Wedding Party for Scammed Newlywed Couple
Photo Source: Philnews.ph

Noong araw ding iyon nang mag-alok si Neri ng tulong sa na-scam na bagong kasal. Ayon sa kanya, sasagutin niya raw ang reception at bibigyan pa niya ng regalo.

Ani Neri Miranda, “Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo.”

Minsan din daw siyang naging bride kaya naman alam niya kung gaano kahalaga ang kasal para sa mga kababaihan.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show