NBI, NAGSAGAWA NG REENACTMENT SA HOTEL KUNG SAAN NAMATAY SI BREE JONSON

Ang mga miyembro ng forensic team ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsagawa ng reenactment ng mga eksena sa hotel sa La Union kung saan natagpuang patay ang visual artist na si Bree Jonson noong Setyembre 22, 2021.

Sa isang panayam ng GMA News, sinabi ni NBI director Eric Distor na siya mismo ang namuno sa inspeksyon at reenactment ng ilang eksena. Ito ay matapos ang parallel probe na isinagawa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa report, ang forensic team ay nagsagawa ng inspeksyon sa mga lugar sa hotel kung saan nagpunta at namalagi sina Bree Jonson at Julian Ongpin, ang anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin.

Sinuri rin ng NBI team ang banyo kung saan nakitang patay si Jonson at ang bintana kung saan sinasabi ni Ongpin na winasak niya para makapasok sa banyo at masaklolohan ang wala ng malay na si Jonson.

SOURCE: Vintana.Ph

Samantala, ang mga ahente ng NBI mula sa Death and Investigation Division ay nagsagawa ng reenactment matapos ang inspeksyon.

“Gusto nating makita yung mga physical evidence, especially the incident scene, kasi importante yun, at makakatulong sa atin upang malaman natin kung ano talaga ang totoong nangyari,” ang pahayag ni Director Distor.

Matapos ang re-autopsy at kolekson ng mga tissue samples mula sa biktima, lahat ng mga ebidensya at datos ay dadalhin sa NBI laboratory sa Quezon City para masuri.

Bukod pa doon, magsasagawa ang ahensya ng psychological autopsy kay Jonson. Ito ay sa pamamagitan ng panayam sa kanyang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan para malaman kung anong personalidad mayroon ang artist.

“Iipunin natin ang mga ebidensiya: Number one yung testimonies, number two yung mga physical evidence, and then yung mga forensic evidence natin,” ang sinabi ni Distor.

“Ang susunod nito, i-evaluate natin, i-assess, at magbibigay tayo ng recommendation para ang lalabas ay pawang katotohanan lamang. The recommendations will be forwarded to the Department of Justice,” ang dagdag ng NBI director.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show