NBA’S 2021-22 SEASON, AARANGKADA NA SA OKTUBRE 20!

Handa nang umarangkada ang 2021-2022 season ng National Basketball Association (NBA) sa Oktubre 19 US time (Oktubre 20 Manila time).

Dahil ito rin ang ika-75th anniversary ng NBA, tinitiyak ng liga na magiging kapana-panabik ang “Opening Day” para sa mga taga-hanga. Ito ay dahil sa nakatakdang salpukan ng 2020-21 NBA champion Milwaukee Bucks at ng koponan ng Brooklyn Nets sa East. Aabangan ng publiko ang paghaharap nina Giannis Antetokounmpo (Bucks) at Kevin Durant (Nets). Sila ay parehong higante hindi lang sa tangkad kundi sa husay ng paglalaro.

Ang isa pang Nets superstar na si Kyrie Irving ay hindi makakapaglaro dahil sa pagtanggi nito na mabakunahan,

“I chose to be unvaccinated and that was my choice and I ask y’all just to respect that choice,” Irving said. “I’m going to stay in shape, be ready to play, be ready to rock out with my teammates and just be part of this whole thing,” ang pahayag ni Irving.

Samantala, mapapanood din ng publiko ang salpukan ng Los Angeles Lakers (LAL) at Golden State Warriors (GSW) sa West sa unang araw ng season. Aabangan ng publiko ang paghaharap nina Lebron James (LAL) at Stephen Curry (GSW). Sila at ang kanilang mga koponan ay itinuturing na parehong dambuhala sa sport ng basketbol. 

Sila rin ang dalawang natatanging koponan na nasungkit ang NBA titles mula noong 2014. Gayunpaman, hindi naging maganda ang standing (0-6) ng Lakers sa naganap na pre-season games ng NBA.

“We’re going to have moments where we’re not quite right there,” ang pahayag ni James.

“We may take steps backward. I think nothing is worth having if it’s not worth working for,” ang dagdag niya.

Samantala, naging maganda naman ang performance ng Warriors sa pre-season (5-0). Ito ay sa kabila ng hindi pa rin paglalaro ng kanilang superstar player na si Klay Thompson na patuloy na nagpapagaling mula sa kanyang Achilles injury.

Gayunpaman, kumpiyansa si GSW coach Steve Kerr na handang handa na ang kanyang mga manlalaro lalo na si Curry na nananatiling scoring champion ng buong liga.

“He’s been building up perfectly from before camp started to all of the training over the summer to now,” ang sinabi ni Kerr kay Curry.

“He’s clearly ready to roll for the regular season. He’s in a great place,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show