MYGZ MOLINO, IKINUWENTO ANG MGA HULING SANDALI NI MAHAL

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang indie actor na si Mygz Molino kaugnay sa pagpanaw ng kanyang malapit na kaibigang si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Sa kanyang latest vlog, idinetalye ni Mygz ang mga huling araw ng komedyante bago ito tuluyang pumanaw noong Agosto 31 sa edad na 46.

Discover mygz molino and mahal 's popular videos | TikTok
Photo Source: TikTok

Ayon sa kanya, nagsimulang manghina at maging matamlay ang komedyante matapos pumanaw ang ama nito noong Agosto 5. Madalas daw itong malungkot at mag-isa dahil sa nangyari.

Lahad ni Mygz, “Tahimik at minsan bigla na lang magsasalita tungkol sa papa niya. … Palagi niyang gustong mag-isa. Gusto niya palagi nandito sa kuwarto. Masyado niya pong dinamdam ‘yung pagkawala ng Papa niya.”

Agosto 25 daw nang mapansin niyang mayroong ubo ang kaibigan kaya naman pinainom niya ito ng lagundi syrup. Kinabukasan ay naging maayos daw ang kalagayan nito ngunit noong Agosto 27, nagkaroon naman ito ng lagnat.

“Tinanong ko po kung nawalan po siya ng pang-amoy tsaka panlasa, [pero] sabi niya po okay naman ang pakiramdam niya. May panlasa naman daw po siya, may pang-amoy naman daw po siya,” aniya.

Agosto 30 naman daw ng magbili ng gamot para sa plema si Mahal sa kanyang handler. Agosto 31 nang magpasya raw sila ng manager ni Mahal na maghanda ng oxygen supply.

Noong mga panahon daw na iyon ay wala ng lagnat si Mahal ngunit napansin nilang nahihirapan na itong huminga kaya naman nagpasya sila na isugod na ito sa hospital.

Mygz Molino sinisisi umano sa biglaang pamamaalam ng komedyanang si Mahal -  Hottest Trendz Online
Photo Source: Hottest Trends Online

“Mga ilang oras lang din po, nagsabi nga po yung doktor 50-50 na nga po si Mahal. That time po kasi, lutang na ako, hindi ko na po alam kung ano yung mangyayari. Ayoko naman pong mag-isip ng negative, eh. So, hindi ko po muna pinakinggan yung sinasabi ng doktor,” emosyonal na kwento nito.

Napakabilis daw ng mga pangayyari noong puntong iyon kaya hindi na niya maproseso sa kanyang utak.

Bagamat nalulungkot sa biglaang pagpanaw ng kaibigan, alam daw niyang masaya na ngayon si Mahal dahil kapiling na nito ang kanyang yumaong ama.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show