MUMMY NA 800 TAONG GULANG O HIGIT PA, NADISKUBRE SA PERU!

Isang mummy na tinatantyang 800 taong gulang o higit pa ang nadiskubre sa central coast ng Peru.

Ang mummified remains ay ipinapalagay na isang indibidwal mula sa kultura na namuhay sa pagitan ng dalampasigan at mga bundok ng bansa bago ang paghahari ng Inca Empire noong 1400s.

Ang kasarian ng mummy ay kasalukuyan pang inaalam. Ayon kay archaeologist Pieter Van Dalen Luna, ang mummy ay namuhay sa mataas na Andean region ng bansa.

“The main characteristic of the mummy is that the whole body was tied up by ropes and with the hands covering the face, which would be part of the local funeral pattern.” ang pahayag ni Van Dalen Luna.

“Radiocarbon dating will give a more precise chronology,” ang dagdag niya.

SOURCE: Sky News

Nadiskubre ang mummy sa loob ng isang underground structure na matatagpuan sa dakong labas ng Lima. May nakita ring ceramics, labi ng gulay, at mga batong kasangkapan sa loob ng libingan.

“The discovery of this resident sheds a new light on interactions and relationships in pre-Hispanic times,” ang sinabi ni Van Dalen Luna.

Ayon pa sa archaeologist, ang mummy ay pinapalagay na isang lalaking nasa edad 25 hanggang 30. Nanggaling siya sa kabundukan papuntang Cajamarquilla na isang dating commercial center sa pre-Columbian era.

Nagsimula ang paghuhukay noong gitnang Oktubre na may team ng 40 tao na pinamumunuan ni Van Dalen Luna at ng kasamang arcaheologist na si Yomira Huamán Santillán.

“The whole team was really happy because we didn’t think this was going to happen,” ang kuwento ni Huamán sa CNN.

“We didn’t expect to make such an important discovery,” ang dagdag niya.

Ang Peru ay tahanan ng daan-daang archaeological sites mula sa mga kulturang umusbong bago at pagkatapos ng Inca Empire.

Ang empire ay sumakop sa katimugang parte ng South America mula katimugang Ecuador at Colombia hanggang gitnang Chile.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show