MISS UNIVERSE PH CORONATION, TULOY NA SEPTEMBER 30

Bilang pag-iingat sa mga kandidata at mga staff ng Miss Universe Philippines 2021, nagpasaya ang MUPH na pansamatalang kaselahin ang coronation night at ilan pang aktibidad ng nasabing patimpalak.

Gaganapin sana ngayong September 25 ang coronation ngunit hindi natuloy.

Miss Universe Philippines 2021 finals set in Bohol on September 30 |  Philstar.com
Photo Source: Philippine Star

Maging ang mga pre-pageant activities ay na-resched din. Napanood noong September 23 ang national costume competition ng mga kandidata at September 24 inilabas naman ang kanilang preliminary interview. Samantalang nakatakdang mangyari ang swimsuit at long gown competition sa September 26.

Sa Facebook page ng MUPH, naglabas ang mga ito ng kanilang pahayag kaugnay ng desisyong ito.

Ayon sa nasabing post, “Mounting a safe pageant for all our stakeholders is our number one priority today. This is why we enhanced, even more, all of our safety protocols given our current situation.”

Humingi rin sila ng paumanhin at pang-unawa sa mga bumili ng ticket sa KTX.ph kung saan mapapanood ang mga pageant activities ng Miss Universe Philippines.

Nito lamang Biyernes, September 24 nang muling ianunsiyo ng MUPH na matutuloy na ang kaabang-abang na coronation night sa darating na September 30, at the Hennan Resort Convention Center in Panglao, Bohol.

Miss Universe Philippines 2021 coronation night deferred
Photo Source: CNN Philippines

“We started the competition in Clark, Pampanga, now we’re flying to Bohol for the coronation! The Miss Universe Philippines Organization is very happy to announce that the Province of Bohol will be our host for the Miss Universe Philippines 2021 Pageant. The finals will be on September 30 at the Henann Resort Convention Center in Panglao, Bohol,” ayon sa official statement ng MUPH.

Mula sa 100 kandidata, 28 na lamang ang natitirang maglalaban-laban para sa korona.

Who will be the next Miss Universe Philippines?

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show