MICHAEL V, WALANG IDEYA KUNG KAILAN MULING E-ERE NG PEPITO MANALOTO

Aminado ang aktor at komedyanteng si Michael V na maging siya ay walang ideya kung kailan muling makakabalik sa ere ang Pepito Manaloto matapos maipatigil ang spiels nila ni Manilyn dahil sa nangyaring granular lockdown sa location kung saan sila nagta-taping.

Kasalukuyan daw silang naka-work from home ngayon dahil sa nangyari at walang kasiguraduhan kung kailan tuluyang makakabalik.

5 Must-Watch Vlogs From Michael V's YouTube Channel | My Pope Philippines
Photo Source: My Pope – Philippines

Kwento ng komedyante, “I was in a meeting yesterday with the bosses of GMA regarding that.

“As soon as puwede na kami makaabante, aabante na kami. Pero sa ngayon, tinitimbang pa rin, e. Kung ano yung magandang move.

“Ang iniisip kasi namin… yung audience, kawawa, e. Nabibitin madalas,” dagdag pa nito.

Gustong-gusto na raw niyang makabalik nang sa ganoon ay maging maayos ang daloy ng kanilang trabaho ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila alam kung paano.

Aniya Bitoy, “Gusto ko talaga bumalik dahil unang-una, fully vaccinated na ako, pati mga kasama ko. Hindi ko pa rin maisip kung papaano babalik, e.”

Maganda naman daw ang naging feedback ng viewers sa Pepito Manaloto: Unang Kwento o ang prequel ng Pepito Manaloto kaya baka ito nalang muna ang ituloy ngayon.

WATCH: Michael V opens up about COVID-19 battle | ABS-CBN News
Photo source: ABS-CBN news

Paliwanag niya, “Yung Unang Kuwento, there’s a chance na magtuluy-tuloy na, pero as I said, pinag-aaralan pa ng ano… yung mga boss ng GMA. That’s an option na ituluy-tuloy pa ang Unang Kuwento.”

Maging siya ay naging fan at napahanga rin kung paano ipinakita ang dating buhay nina Elsa at Pepito sa nasabing prequel. Ipinagmamalaki niya raw ito at hindi siya magsisisi kung ang magiging option ay ituloy-tuloy ito.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show