MGA PASAHERO SA PHILADELPHIA, WALA RAW GINAWA HABANG NASASAKSIHAN ANG ISANG RAPE!

Ang mga pasahero sa Philadelphia subway ay walang ginawa habang nasasaksihan ang isang krimen. Ito ang pahayag ni Southeastern Pennsylvania Transportation Authority (SEPTA) Transit Police Chief Thomas Nestel III.

Isang babae ang walang awang ginahasa sa loob ng Philadelphia subway. Ito ay nakita ng may 10 pasahero at ang iba sa kanila ay tila nire-record pa ang insidente. Mapipigil sana ang krimen kung kaagad tumawag ang mga pasahero sa 911.

Ang biktima ay hinalay pasado 9 p.m. noong Oktubre 13 sa loob ng isang tren na pinapatakbo ng SEPTA.

“As many as 10 people actually saw some part of the attack on this rider,” ang pagbubunyag ni Nestel sa Philadelphia radio station na WPHT.

Napanood ng kapulisan ang mga surveillance video.

“We were watching to see if somebody put a phone up to their ear indicating they might be calling 911. Instead, what we saw was people holding their phone up as if they were recording or taking pictures,” ang sinabi ni Nestel.

“It may have been stopped sooner if a rider called 911,” ayon kay SEPTA spokesman John Golden.

Ipinakita rin ng surveillance video kung paano tinangka ng biktimang lumaban sa salarin. Ilang beses niyang itinulak ang suspek matapos siyang hipuan nito. Gayunpaman, nagawa pa ring gahasain ng salarin ang biktima.

Sa kabutihang palad, isang off-duty SEPTA employee ang nalaman ang pangyayari at tumawag sa 911. Mabilis namang nakarating sa lugar ng krimen ang mga transit police at pinigilan nila ang panggagahasa at inaresto ang salarin.

“He was on top of our victim and committing the assault when they entered the train,” ang ulat ni Nestel.

Samantala, ang mga women’s rights advocates ay nabahala at nasuklam sa hindi pagtulong ng mga pasahero sa biktima. Hindi nila inisip na tumawag sa 911 para mapigilan ang krimen.

“My greatest fear about it is two-fold: One is that people just don’t care and the other is that they thought this might have been consensual sexual activity, and that’s what rape looked like to them,” ang pahayag ni Carol Tracy. Sita abg executive director ng Women’s Law Project sa Philadelphia.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show